15/02/2025
TITLE: KASALANAN KO BA
BY: PINAS BAGO AKO
Heto na naman ako, mamamaalam sa inyo
Tuparin ang mga pangarap, kapalit ay ang pagkakalayo
Di maawat sa pag-agos mga luha'y pumapatak
Sakripisyo'y handog, kahit puso'y wasak-wasak.
(Verse 2)
Puso'y nagdurusa, sa 'king piniling landas,
Nangungulila sa inyong yakap, sa inyong mga tinig
Sa inyong mga ngiti, ako'y sumasandig,
Pag-asa'y buhayin, sa gitna ng dilim.
(Chorus)
Kasalanan ko ba, ang maghangad ng maganda?
Kasalanan ko ba, kung kayo'y aking inuna?
Kasalanan ko ba, ang lumayo para sa inyo?
Kasalanan ko ba, kung bawat gabi tayo ay magkalayo?
(Verse 3)
Sa mga okasyon, 'di ako nakakasama,
Kaarawan niyo, graduation, 'di ko masaksihan.
Sakit sa puso, 'di kayang maipahayag,
Ngunit sa inyo, lahat ito'y alay.
(Verse 4)
Sana'y tumigil ang oras, sana'y kayo'y 'di agad lumaki,
Sana'y 'di gumulong ang panahon, sana parang dati
Sana'y maibalik ang mga sandaling nawala,
Sana'y makapiling kayo, sa bawat sandali.
(Chorus)
Kasalanan ko ba, ang maghangad ng maganda?
Kasalanan ko ba, kung kayo'y aking inuna?
Kasalanan ko ba, ang lumayo para sa inyo?
Kasalanan ko ba, kung bawat gabi tayo ay magkalayo?
(Bridge)
Pinili ko ito, oo, pinili ko ito,
Ngunit ang sakit, pilit ko mang itago.
Dusa'y nararamdaman, sa bawat araw na lumilipas,
Ngunit sa inyo, lahat ito'y iniaalay.
(Chorus)
Kasalanan ko ba, ang maghangad ng maganda?
Kasalanan ko ba, kung kayo'y aking inuna?
Kasalanan ko ba, ang lumayo para sa inyo?
Kasalanan ko ba, kung baat gabi tay ay magkakalayo?
(Outro)
Kasalanan ko, oo, kasalanan ko nga,