06/05/2026
Ya Allah, Ikaw ang Pinakamahabagin at Pinakamaawain…
Alam Mo po ang laman ng puso ko.
Alam Mo kung gaano ko gustong makatulong sa aking pamilya, sa aking mga kababayan lalo na sa grupo ng Raise Hope at sa mga nangangailangan,
ngunit alam Mo rin ang aking mga kakulangan.
Ya Allah…
Kung hindi man ako makapagbigay ng tulong financially,
hinihiling ko po na Ikaw ang magpadala ng tulong sa kanila mula sa Iyong walang hanggang biyaya.
Pagalingin Mo po ang may sakit,
pagaanin Mo ang kanilang mga dinadala,
at punuin Mo ang kanilang mga puso ng pag-asa at kapayapaan.
Ya Rabb…
Buksan Mo po ang mga pintuan ng kabuhayan para sa aking pamilya,
para sa aking mga kababayan dito sa Bahrain,
at para sa lahat ng nangangailangan.
Pagpalain Mo rin po ang gawain ng Raise Hope Group
at lahat ng mga taong tumutulong, bigyan Mo sila ng lakas, kalusugan, at mas higit pang kakayahan na makapagbigay ng kabutihan.
Ya Allah
Bigyan Mo ako ng lakas at tibay,
ng malinaw na isipan,
at ng kapayapaan sa kalooban.
Palakasin Mo ang aking pananampalataya,
at gawin Mo akong instrumento ng kabutihan kahit sa simpleng paraan lamang.
Ya Allah…
tanggapin Mo ang aking dasal,
at iparamdam Mo sa amin na hindi Mo kami pinapabayaan.