25/07/2026
We miss you too! 🥹🇯🇵Namiss ko po kayong lahat at ang mga tawanan during live😄
Ang dami na naming natatanggap na messages asking
“Ate, kailan ulit kayo magla-live?”
“Bakit wala na kayong live?”
“Namimiss na namin ang Japan Live.”
Honestly, sobrang na-appreciate namin kayong lahat. 🤍 Hindi namin in-expect na hahanapin niyo talaga ang live namin.
For now, pansamantala muna kaming nag-pause ng retail live selling dahil sobrang busy kami sa wholesale. Sa ngayon, kami ang nagsu-supply ng authentic Japan fashion sa iba’t ibang resellers at online sellers sa Australia, Canada, USA, at iba pang countries.
Every week, halos puro shipments at warehouse operations ang focus namin kaya kailangan muna naming isantabi ang retail live.
Pero don’t worry… babalik kami! ❤️
Target namin ang next Japan Live this September!
Pagbalik namin, mas marami na ulit tayong authentic Japan finds at mas exciting na collections ang ihahanda namin para sa inyo.
Maraming salamat sa lahat ng nagme-message at hindi nakakalimot sa amin. Hindi namin kayo nakakalimutan. 🤍
See you this September, MMF Fam! 🇯🇵✨