20/06/2026
Today, I finally let go of something that became a huge part of my life. 🥺🤍
GlowSkin Japan started in 2022 as a simple dream. Marami itong pinagdaanan—mula skincare, hanggang sa baby clothes, hanggang sa iba’t ibang pagbabago para lang maituloy at mapanatili ko ito. Ilang taon din akong nangarap, nagpuyat, nag-effort, nag-invest ng oras, pera, at puso para dito.
Sa totoo lang, gusto ko pa sanang ituloy. Marami pa sana akong gustong gawin at marating para sa GlowSkin Japan. Pero naniniwala ako na may ibang path at mas magandang plano si Lord para sa akin at sa pamilya ko.
Masakit kasi hindi lang ito negosyo para sa akin. Parte ito ng pangarap ko, ng pagiging independent ko, at ng mga panahong pinatunayan ko sa sarili kong kaya kong bumuo ng isang bagay mula sa wala. Kaya kahit tanggap ko na ang desisyon, may lungkot pa rin at may kurot pa rin sa puso kapag naiisip ko ang lahat ng pinagdaanan nito.
Maraming maraming salamat kay Lord sa pagkakataong mabuo ang GlowSkin Japan at maranasan ang journey na ito. Sa bawat blessing, order, customer, at pagkakataong dumating, alam kong lahat iyon ay galing sayo Lord🙏🏻🤍
Maraming salamat sa lahat ng sumuporta, nagtiwala, umorder, nag-share, at naging bahagi ng GlowSkin Japan mula noon hanggang ngayon. Hindi ko makakalimutan ang support ninyo. 🤍
Goodbye for now, GlowSkin Japan. Thank you for the memories, the lessons, and the dream that once gave me so much hope. ✨🥺” 💕