20/05/2026
Mga simpleng bagay lang, pero nakakatuwang makita na mas aware na ngayon si Z sa paligid niya. ❤️
Kanina, may napatay akong ipis sa CR tapos ni-remind niya ako, “Mommy, basi subayon ang cockroach sa CR.” Napa-“okay, kuya” na lang ako. 🥹
Kapag nag-uusap kami ng mga kapatid ko, akala mo hindi siya nakikinig, pero bigla siyang may side comment o tanong. Dati kasi sobrang bihira niyang maging responsive, kaya nakakatuwang makita yung progress niya ngayon.
Si Link naman, lagi kong napapagalitan dati dahil makalat at iniiwan lang niya ang mga gamit kung saan-saan. Pero ngayon, marunong na siyang maghugas, magligpit, magwalis, at mag-ayos ng mga gamit at toys niya. Kapag naman sobrang dami ng nailalabas o nakakalat niya, marunong na rin siyang humingi ng tulong.
One time, napasama ang bagsak ko habang hinahanap namin yung remote ng TV na na-misplace. Sobrang sakit kaya nagpahinga muna ako. After mga 45 minutes, paglabas ko, wala nang kalat—toys, books, name it. Nakapagligpit na sina Z at Link, at mindful pa sila na huwag maingay dahil nagpapahinga ako. 🥹
The little joys of being a mommy. 🌹
Raising responsible, thoughtful, and helpful kids—kahit madalas lumalabas pa rin ang pagiging dragon ko. 😂