02/01/2026
W1: The Empowered Life
Day 2: Discovering the Power of God in Everyday Life
Scripture Text: 2 Peter 1:3
Reflection: We need the power of God every day, in every area of our lives.
2 Pedro 1:3 Ang kapangyarihan ng Dios ang nagbigay sa atin ng lahat ng kailangan natin para mamuhay nang may kabanalan. Itoʼy sa pamamagitan ng pagkakakilala natin sa kanya na tumawag sa atin. Tinawag niya tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan niya at kabutihan.
IBINIGAY na ng Diyos ang lahat ng ating kailangan upang mamuhay tayo ng may kabanalan sa pamamagitan ng Kanyang Kapangyarihan.
👉 Ang espirituwal nating paglago ay hindi galing sa sarili nating lakas.
👉 “Ibinigay na sa atin ang lahat ng bagay.”
👉 “Para mamuhay ng may kabanalan.”
👉 “Sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanya” — ang mga biyayang ito ay natatanggap hindi lamang sa kaalamang pang-isip, kundi sa isang malalim, personal, at tunay na relasyon kay Jesu-Cristo.
👉 Tinawag tayo ng Diyos dahil Siya ay makapangyarihan at mabuti, at binibigyan Niya tayo ng kakayahang mabuhay ayon sa Kanyang tawag sa atin.
APPLICATION:
“STOP STRIVING, START RELYING.”
IBINIGAY NA NG DIYOS- ito ay hindi pangako kungdi ito ay nasa atin na sa lahat ng nananalig sa Kanya.
Nangangahulugan na kailangan natin itong gamitin at magtiwala sa kayang gawin ng Diyos sa ating buhay upang makapamuhay tayo ng may kabanalan sapagkat ito ang PAGKAKATAWAG sa atin.
Huwag nating TINGNAN ang ating kakulangan sapagkat SAPAT ang kapangyarihang ibinigay sa atin ng Diyos.
Bigyan natin ng panahon na MAS MAKILALA natin ang Panginoong Hesus kaysa sa malaman lang natin ang tungkol sa Kanya.
Araw-araw ay may NAKALAANG lakas sa atin ang Diyos upang makapamuhay tayo ng may kabanalan: lumalayo sa kasalanan at buhay na nagbibgay ng karangalan sa Kanyang Pangalan.
“Hindi sa sariling lakas, kundi sa kapangyarihan ng Diyos tayo lumalakas araw-araw.”
KAYA NATING MAGTAGUMPAY!