16/03/2019
Must Read para sa buyers specialky s amga newbies😘
UKAY DICTIONARY 📝
👉🏻 “BARGAIN” - may dalawang klase ng BARGAIN,
📌 Una, yung mga seller na kailangan ng SPACE (ESPASYO) wala ng mapag tambakan ng Susunod na bulto, kaya’t ipina pa-bargain na ang kasalukuyang nabuksang bulto.
📌 Pangalawa, ito yung mga napag pilian na. Napagpilian na, kaya’t bagsak presyo na. Halo halo ang sizes, halo halo ang kulay, halo halo ang may stain, may damage at kung ano pa. Ngunit, hindi porke hindi maganda sa paningin ko ay hindi narin maganda sa paningin mo. Maaring mas madiskarte kaya kaya’t mas mabebenta mo pa. Ito yung uri ng bargain na kahit pa-bente bente or trenta trenta, mabebenta mo pa. Tubo ka parin hindi ba? BARGAIN NGA EH. ☺️
👉🏻 “PREPACKED” - tulad ng isang buong bulto, ang prepacked ay halo halo din ang laman. Halo halo ang sizes, halo halo ang kulay. Hindi 100% na walang may palpak, kaya nga “prepacked”. Kung ano ang laman ng isang buong bulto, inihahati hati sa ilan, at inire-repack. Ibig sabihin, ke panget o maganda sa paningin mo, kasama sa PREPACK.
Sa pagbubukas ng isang bulto ng ukay, hindi yan 100% perpekto ang laman, hindi yan 100% walang palpak. Kahit pa man “GOLD RAGS” o kahit “BEST OF THE BEST CODE”, may palpak at may palpak dyan. At sa oras na bumili ka ng isang bulto, hinding hindi na yan maibabalik sa pinagkuhanan, unless, mali ang code o mali ang laman na naibigay sayo. Kaya’t ke panget o maganda ang nabuksan mo, dyan pumapasok ang salitang “DISKARTE”, diskarte mo kung paano mo patutubuin at maibabalik ang ipinuhunan mo sa isang bulto.
Sa Mundo ng UKAY, laging “NO RETURN, NO EXCHANGE”, bakit? Ukay nga eh. What do you expect?? Kami bang mga seller kapag bumili kami ng bulto at panget ang laman, maari ba namin itong isoli sa warehouse at sabihin “ay ang papanget naman po pala! Ang daming mantsa! Ang daming butas! Ibabalik ko nalang po” HINDI DIBA?
DISKARTE! DISKARTE! DISKARTE IS THE KEY!!!
✅ May mantsa? Labahan.
✅ Gusot? Plantsahin.
✅ Kulang ng Butones o may butas? Tahian.
✅ Malalaking size? Ibenta sa Plus Size!
TANDAAN, PAG GUSTO KUMITA, MARAMING PARAAN. Pero kung hindi ka pa gumagawa ng paraan, at puro reklamo ka lang, KATAMARAN ang tawag dyan. 😉
Kaya’t kung maarte ka, wag kang mag ukay. Kung reklamador ka, wag kang mag ukay. kung tamad ka, wag kang mag ukay. Kung wala kang tyaga, hindi ka para sa ukay.
Sabi nga, ANG UKAY AY PARA LAMANG SA MADIDISKARTE, BAWAL SA MAAARTE DAHIL KUNG MAY PERA SA BASURA, MAY PERA SA UKAY! 🙌🏻
CTTO.
🔥IKAW ANG KIKILOS PARA SA BULTO MO, HINDI ANG BULTO ANG KIKILOS PARA SAYO🔥