06/05/2026
Binuo kita noong wasak ka pa..noong hindi mo na kilala ang sarili mo dahil sa sakit na iniwan nila.
Pinagaling ko isa-isa ang mga sakit na pinaramdam sayo, tinanggap pati yung mga bahagi mong hirap nang mahalin, at pinili kitang buuin kahit ako ang napapagod.Tinuruan kitang maniwala ulit na may taong handang manatili, na hindi lahat ng dumarating ay para lang manakit at umalis.
Ako yung naging sandalan mo noong wala ka nang matakbuhan, noong durog na durog ka na.
Pero ang hindi ko alam, habang binubuo kita, unti-unti rin palang nauubos ang sarili ko.
At nung dumating ka sa puntong buo ka na, kaya mo nang ngumiti kahit wala ako, kaya mo nang tumayo nang hindi ako hawak doon mo naman ako binitawan.
Iniwan mo ako sa parehong sakit na pilit kong iniligtas sa'yo.
At ngayon, ako naman yung wasak iniwan sa gitna ng mga piraso ko, nagtatanong kung saan ako nagkulang, kung bakit yung taong tinulungan kong mabuo, siya pa yung sumira sa'kin nang ganito.