22/03/2023
BASAHIN: Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na base sa isinagawang pagsusuri ng Department of Science and Technology (DOST) sa ilang CDO products ay may halo ang mga ito na porcine o karne ng baboy.
Dahil dito, nagpaalala ang ahensya sa Muslim community na mag-ingat sa pagbili ng mga produktong karne alinsunod na rin sa pakikipag-ugnayan sa kanila ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).
Labag sa pananampalatayang Muslim ang kumain ng anomang produkto na may halong karne ng baboy. - mnp
Narito ang kopya ng memorandum mula sa NCMF:
https://www.facebook.com/photo?fbid=135180722817013&set=a.113675721634180