Ram.ninety9.found

Ram.ninety9.found Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ram.ninety9.found, Cainta.

Living Proof of Grace | Lost but now Found
Sharing Daily Life with Jesus
Christian Inspiration • Encouragement • Faith
Luke 15:4 | For the One He Left the 99 For
Follow for Daily Reminders of God’s Love

When life starts getting better…people start paying attention.They notice the wins.The healing.The blessings.But here’s ...
28/04/2026

When life starts getting better…
people start paying attention.

They notice the wins.
The healing.
The blessings.

But here’s the real question..
when they look at your life…
do they see God?

In Isaiah 39, Hezekiah was blessed.
But when people came,
he showed them everything…
except the One who gave it all.

And if we’re honest..
we do the same.

We post the blessing,
but hide the Source.

This is your reminder today:
Don’t just display the outcome..
point people to the Giver.

Make your life…
point back to God.

If this speaks to you, share it!
someone needs this today.

Alam mo ba na may ilaw ka?Hindi ito literal na ilaw… kundi yung liwanag na galing sa Panginoon...yung love, grace, at ho...
26/04/2026

Alam mo ba na may ilaw ka?

Hindi ito literal na ilaw… kundi yung liwanag na galing sa Panginoon...yung love, grace, at hope na na-experience mo sa buhay mo.

Pero eto yung tanong ko sa’yo…

Bakit parang ang dami pa ring tao sa paligid mo na nasa dilim?

Hindi dahil wala kang ilaw…
kundi baka… tinatago mo lang.

Sabi sa Bible, walang naglalagay ng ilaw sa ilalim ng mesa.
Nilalagay ito sa ibabaw… para maliwanagan ang buong bahay.

So ibig sabihin, may purpose ang ilaw
hindi para itago… kundi para i-share.

Minsan kasi, bilang Christian, nagiging comfortable tayo na tayo lang yung nakaka-experience kay Lord.
Tahimik lang tayo.
Reserved lang tayo.
O kaya natatakot tayo na baka ma-judge tayo.

Pero isipin mo ‘to…

Kung ikaw, nabago ng pagmamahal ng Diyos
hindi ba may responsibility ka rin na iparamdam ‘yon sa iba?

Hindi kailangan perfect ka.
Hindi kailangan magaling ka magsalita.

Kasi ang ilaw… hindi nagsasalita
NAKIKITA

Nakikita sa:
kung paano ka magmahal
kung paano ka magpatawad
kung paano ka tumayo kahit nahihirapan ka

At doon… makikita si God sa’yo.

Pero tandaan mo rin
hindi ikaw ang source ng ilaw.

Si Lord ‘yon.

Kaya kung feeling mo nauubos ka,
kung feeling mo parang wala ka nang maibigay…

bumalik ka sa Kanya.

Kasi hindi ka pwedeng magbigay ng liwanag kung disconnected ka sa source.

So today, eto lang gusto kong iwan sa’yo:

Huwag mong itago ang ilaw mo.

May mga taong naghihintay ng encouragement mo.
May mga taong nangangailangan ng hope na meron ka.
May mga taong malapit sa’yo na baka ikaw ang way ni Lord para maabot sila.

Hindi ka lang tinawag para maliwanagan
tinawag ka para maging liwanag.

So the question is…

Nasaan ang ilaw mo ngayon?
Nasa ibabaw ba… o nasa ilalim?

Because the world doesn’t need more hidden Christians…

The world needs light.

Matthew 5:15 (NLT)
“No one lights a lamp and then puts it under a basket. Instead, a lamp is placed on a stand, where it gives light to everyone in the house.”

Mark 4:21–22 (NLT)
“Then Jesus asked them, ‘Would anyone light a lamp and then put it under a basket or under a bed? Of course not! A lamp is placed on a stand, where its light will shine. For everything that is hidden will eventually be brought into the open, and every secret will be brought to light.’”

Luke 8:16 (NLT)
“No one lights a lamp and then covers it with a bowl or hides it under a bed. A lamp is placed on a stand, where its light can be seen by all who enter the house.”

You're not loved because you've done enough,you are loved  because Jesus done enoughBut God demonstrates His own love fo...
05/11/2025

You're not loved because you've done enough,
you are loved because Jesus done enough

But God demonstrates His own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us. — Romans 5:8

Alam mo ‘yung mga araw na parang hindi mo feel si Lord kasi feeling mo ang dami mong sablay? ‘Yung tipong, “Lord, sorry ah, baka hindi mo na ako love kasi ang dami ko na namang pagkukulang.”

Pero alam mo? Hindi ganun si God.
Hindi Kanya minahal dahil sa kung gaano ka kagaling, ka-active sa church, sa mga ministry mo o ka-consistent sa devotion mo.

You’re not loved because you’ve done enough
You’re loved because Jesus has done enough.

Grabe ‘no? Si Jesus, binigay na lahat.
Yung pagmamahal Niya, hindi naka-base sa mga ginagawa mo,
kundi sa Grace Niya.
Kaya kahit may mga araw na sablay ka, kahit feeling mo hindi ka deserving — He still looks at you with love,
at sinasabi Niya, “Anak, tapos na. I already did it for you.”

You don’t have to prove yourself to be loved.
Hindi mo kailangang maging okay palagi.
Dahil kahit sa pinakamababa mong punto — mahal ka pa rin Niya.

Ano ‘yung mga bagay na pilit mong ginagawa para
maramdaman mong “enough” ka?

Today, try mo lang ibigay kay Lord ‘yung bigat na ‘yon.
Let His love remind you:
Hindi mo kailangang mag-earn ng love Niya — kasi binigay na Niya ‘yon ng buo, no conditions attached.
Jesus loved us first — and that will never change.

19 We love because he first loved us. - 1 John 4:19

Lord, thank You kasi hindi ko kailangang maging perfect para mahalin Mo ako. Salamat sa ginawa Mo sa cross — sapat na ‘yon.
Teach me to rest in Your love and stop striving just to feel worthy.
Help me believe that what You’ve done is already enough. Amen

When it’s too heavy, I’ll carry you.1 Corinthians 10:13 13 No temptation has overtaken you except what is common to mank...
03/11/2025

When it’s too heavy, I’ll carry you.

1 Corinthians 10:13
13 No temptation has overtaken you except what is common to mankind. And God is faithful; he will not let you be tempted[b] beyond what you can bear. But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can endure it.

hindi ‘yan tungkol sa suffering,
kundi tungkol sa temptation.
Sabi ni Paul, “God is faithful. He won’t let you be tempted beyond what you can bear. And when temptation comes, He will provide a way out.”

Pero pagdating sa suffering,
ibang usapan na ‘yan.

Kasi kung titignan mo sa Bible
si Moses, dumating sa point na sinabi niya kay Lord, “Lord, kunin Mo na lang ako.”
Si David, sabi niya, “Lord, my soul is drowning.”
Si Paul naman, “I was burdened beyond my strength… to the point na nawalan na ako ng pag-asa sa buhay.”

So kung pakiramdam mo ngayon, sobrang bigat na,
kung feeling mo, hindi mo na kaya…
hindi ibig sabihin mahina ‘yung faith mo.
Baka nga, ibig sabihin nun,
tama lang ‘yung lugar mo — ‘yung lugar kung saan kailangan mong umasa kay Lord.

Kasi alam mo,
madalas sinasabi ng mundo:
“Be strong.”
“Prove your faith.”
“Kayang-kaya mo ‘yan!”

Pero sabi ng Bible:
“Hindi mo kaya mag-isa — kaya mo kailangan si Jesus.”

Hindi inaasahan ni Lord na ishoulder mo lahat.
Hindi Niya sinasabi na dapat laging matatag ka.
Ang gusto Niya — lumapit ka.
Kasi nandun Siya mismo sa gitna ng bigat.
Siya ‘yung nagbibigay ng lakas, hindi para takasan mo,
kundi para kayanin mo kasama Siya.

At minsan, hinahayaan Niya talagang maging sobrang bigat na —
para finally, tumigil ka na sa pagpilit buhatin mag-isa.

Kasi hindi ka naman ginawa ni Lord para maging self-sufficient.
Ginawa ka Niya para yakapin Niya.
Para maranasan mo ‘yung grace Niya, ‘yung comfort Niya, ‘yung presensya Niya.

Kaya kung feeling mo ngayon,
“Lord, sobra na ‘to…”
hindi ‘yan failure.
Hindi ‘yan sign na mahina ka.
‘Yan ‘yung paanyaya ni Lord — na magpahinga, na magtiwala,
na maalala na ‘yung lakas Niya, nagiging perpekto sa kahinaan mo.

Grace, Not guiltLove, Not LawRomans 6:14 — For sin shall no longer be your master,because you are not under the law, but...
02/11/2025

Grace, Not guilt
Love, Not Law

Romans 6:14 — For sin shall no longer be your master,because you are not under the law, but under grace.

Alam mo ‘yung feeling na kahit anong gawin mo, parang hindi ka pa rin pasado sa standard?

Ginagawa mo naman lahat, pero sa loob mo, parang kulang pa rin. Ganyan ako dati. I thought being a Christian means checking off a list —bawal ‘to, dapat ganito, kailangan ganun.

Pero habang pinipilit kong maging “perfect,” mas lalo kong naramdaman kung gaano ako kahina.

Ngayon naintindihan ko kung bakit ibinigay ng Diyos kay Moses ang Law — hindi para i-condemn tayo, kundi para ipakita kung gaano natin Siya kailangan.

Ang Law (Batas ni Moses)

Ang Law ay ibinigay ng Diyos kay Moses — kasama ang Ten Commandments at iba pang batas sa Old Testament.
Layunin nito ay ipakita kung ano ang tama at mali, at ipakita kung gaano natin kailangan ang Diyos.

Romans 3:20
Therefore no one will be declared righteous in God’s sight by the works of the law; rather, through the law we become conscious of our sin

Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, sapagkat ang ginagawa ng Kautusan ay ipaalam sa tao na siya’y nagkasala.

Purpose ng Law:
Para maunawaan natin ang kabanalan ng Diyos.
Para ipakita na hindi natin kayang maging “perfect” sa sarili nating kakayahan.
Para i-point tayo kay Jesus — ang tanging makatutupad sa lahat ng iyon.

Na-realize ko, the Law is like a mirror —
ipinapakita kung gaano ako karumi, pero hindi ako kayang linisin.
And for a long time, I stood in front of that mirror, trying to scrub myself clean with my own effort — pero laging may mantsa.

Hanggang sa na gets ko ang Grace ng Lord

Grace (Biyaya sa pamamagitan ni Jesus)

Nang dumating si Jesus, Siya mismo ang tumupad ng lahat ng kautusan.
At Siya ang nagbigay ng bagong daan papunta sa kaligtasan —hindi sa pamamagitan ng gawa, kundi sa biyaya (grace) sa pamamagitan ng Faith natin.

Ephesians 2:8–9
8 For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God—
9 not by works, so that no one can boast.

Dahil sa Grace, hindi ko na kailangang magpanggap na “okay.”
Hindi ko kailangang patunayan kay Lord na karapat-dapat ako.
Kasi mismong Siya na ang tumupad ng lahat na hindi ko kayang gawin.

Romans 6:14
For sin shall no longer be your master, because you are not under the law, but under grace.

Purpose ng Grace:
Para maipakita na ang kaligtasan ay regalo, hindi pinaghihirapan.
Para bigyan tayo ng bagong puso —na sumusunod hindi dahil “required,” kundi dahil “mahal natin ang Diyos.

So saan tayo dapat mag-focus?

By Grace, not by Law — pero hindi ibig sabihin lawless na tayo.

Hindi na tayo under the Law as a way to be saved, pero dahil binago na tayo ng Grace,
natural na gusto na nating sundin ang kalooban ng Diyos.

Romans 8:3–4
3 For what the law was powerless to do because it was weakened by the flesh, God did by sending his own Son in the likeness of sinful flesh to be a sin offering. And so he condemned sin in the flesh,
4 in order that the righteous requirement of the law might be fully met in us, who do not live according to the flesh but according to the Spirit.

Ang Grace, hindi lisensya para magkasala —ito ‘yung lakas para mamuhay nang matuwid. Ito ‘yung reminder na hindi mo kailangang tumakbo papunta kay God —kasi Siya na mismo ang lumapit sa’yo.

The Law shows us our sin.
Grace saves us from sin.
And the Spirit empowers us to live righteously.

Ang Law ay parang salamin — ipinapakita kung madumi ka, pero hindi ka nito kayang linisin.
Ang Grace ay parang tubig at sabon — Siya ang naglilinis sa’yo, at binibigyan ka ng bagong simula araw-araw.

Kaya ngayon, mas pinipili ko nang tumingin kay Jesus kaysa sa sarili kong kakayahan.
Siya ang katuparan ng Law, at Siya rin ang biyayang nagbibigay-buhay.

Hindi na ako sumusunod para maligtas —
sumusunod ako dahil ligtas na ako.
Hindi dahil kailangan,
kundi dahil mahal ko Siya.

John 1:17
For the law was given through Moses; grace and truth came through Jesus Christ.

It’s Not About What I Did,It’s About What Jesus DidEphesians 2:8–9For it is by grace you have been saved, through faith—...
02/11/2025

It’s Not About What I Did,
It’s About What Jesus Did

Ephesians 2:8–9

For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God—not by works, so that no one can boast.

Lately, narealize ko na minsan, kahit sa paglilingkod sa Lord, napapaisip ako na “Siguro natutuwa ang Lord sa dami ng ginagawa ko para sa Kanya.”
Nasa ministry ka, tumutulong, nagsisilbi — and all of that is good. Serving God is part of loving Him. Pero habang tumatagal, napapaisip ako…
Ginagawa ko pa ba ‘to dahil mahal ko ang Lord, o dahil gusto ko lang maramdaman na approved ako Niya?

Narealize ko na — It’s not about what I did, it’s about what Jesus did.

Kasi kahit gaano karami o kaganda ang ginagawa natin para sa Lord, hindi ‘yon ang sukatan ng pagiging “kalugud-lugod.”
Yes, mahal ng Lord ang mga naglilingkod sa Kanya. Pero higit sa gawa, mas tinitingnan Niya ang puso.
Kung bakit mo ginagawa, at para kanino mo ginagawa.

Minsan, nakakalimutan natin kung sino talaga ang sentro ng lahat ng ginagawa natin.
Busy tayo sa ministry, pero nakakalimutan natin si Jesus mismo — the One whom we’re serving.
We end up doing things for God, but not with God.

And when that happens, nagiging performance-based ang faith natin.
Parang kailangan mong patunayan sa Lord na “Lord, faithful ako ha, tingnan Mo ginagawa ko lahat!”
Pero the truth is — we don’t serve to earn His approval.
We serve because we already have His grace.

It’s not about what I did.
Hindi ito tungkol sa dami ng ministry mo, sa attendance mo, o sa mga nagagawa mo para sa simbahan.

It’s about what Jesus did.
Yung ginawa Niya sa krus — yun ang dahilan kung bakit tayo may access sa Ama, may kalayaan sa kasalanan, at may bagong buhay.
Lahat ng ginagawa natin ay response lang sa ginawa Niya.

Reflection:
Kamusta puso mo sa paglilingkod?
- Ginagawa mo pa ba ito para malugod ang Lord, o para malugod ang sarili mo?
- Naalala mo pa ba araw-araw kung ano ang ginawa ni Jesus para sa’yo?

Reminder:
Don’t let your ministry replace your intimacy with Jesus.
Hindi mo kailangang “bawiin” o “patunayan” ang sarili mo sa Lord — kasi tinanggap ka na Niya bago mo pa Siya napaglingkuran.

Ang tunay na paglilingkod ay bunga ng pagmamahal at pasasalamat sa ginawa Niya, hindi paraan para makuha ang Kanyang pabor.

Lord, help me to always remember — it’s not about what I did, it’s about what You did.
Check my heart, and make my service pleasing not to me, but to You.

True MaturityLearning to Depend on God AloneBut grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ. To ...
05/10/2025

True Maturity
Learning to Depend on God Alone

But grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ. To him be glory both now and forever! —2 Peter 3:18

Alam mo, dati, akala ko matured na ako kasi matanda na ako at marami na ring life experiences. Pero nung nagsimula ako sa journey ko with God, narealize ko na iba pala yung maturity sa mundo at yung spiritual maturity.

Noong una, feeling ko lagi dapat may kausap ako, may mapagsasabihan ako, kasi doon ako humuhugot ng strength. Pero habang tumatagal sa walk ko kay Lord, tinuruan Niya ako na hindi lahat ng bagay kailangan kong i-depend sa tao. Dinala Niya ako sa point na matuto akong mag-rest at mag-dwell sa presence Niya lang.

Dati, ang tawag ko lang doon is “spiritually aligned” kasi iniisip ko na basta nasa isip ko si Lord, okay na. Pero habang lumalalim ako sa Kanya, narealize ko na hindi lang alignment ang importante, kundi growth. At natutunan ko na si Lord lang talaga ang sapat. He alone is enough.

Maturity in the world ≠ Maturity in Christ

Hindi base sa edad o experience ang tunay na maturity.
Pwede kang successful sa mundo pero empty sa spirit kung hindi ka rooted kay Lord.

Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God’s will is—His good, pleasing and perfect will.” — Romans 12:2

Learn to Depend on God Alone
Hindi masama ang may mapagsabihan, pero si Lord dapat ang una nating takbuhan.
Only He can understand us fully — walang judgment, walang limit, walang filter.

Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to Him, and He will make your paths straight.— Proverbs 3:5–6

Spiritual Maturity is a Process
Hindi ito instant. Araw-araw may tinuturo at binabago si Lord.
Maturity is a daily walk with Jesus, not a one-time achievement.

Being confident of this, that He who began a good work in you will carry it on to completion until the day of Christ Jesus.— Philippians 1:6

Age is just a number, but spiritual growth is a daily choice.

CAPTURING FAITHEvery frame is a testimony of alife transformed by Christ.Psalm 105:1“Give praise to the Lord, proclaim h...
24/09/2025

CAPTURING FAITH
Every frame is a testimony of a
life transformed by Christ.

Psalm 105:1
“Give praise to the Lord, proclaim his name; make known among the nations what he has done.”

Being part of the media team is more than just taking pictures or videos. It’s not about how techy you are or how perfect the shots look. Each image tells a story of faith — the tears, the joy, the surrender, the passion for God. This ministry is not just a task, but a testimony that the Christian life is real and alive in Christ.

Bilang parte ng media team, narealize ko na hindi lang ito basta pagkuha ng pictures o videos. Habang tumatagal, nakita ko na hindi pala tungkol sa pagiging techy, sa techniques, o sa kung gaano kaganda ang kuha ng camera. Mas malalim pala dito.

Napansin ko na sa bawat larawan, may kwento ng pananampalataya. Nakita ko ang mga kabataan na matatag sa kanilang faith, ang bawat luha sa pananalangin, ang bawat ngiti sa presensya ng Diyos, at ang bawat pusong handang magsuko sa Kanya.

At dito ko narealize na ang media ministry ay hindi lang isang simpleng gawain. Isa itong paraan upang ipakita sa mundo ang reyalidad ng buhay Kristiyano — na buhay, totoo, at puno ng pag-asa kay Kristo.

God’s Supernatural Love:A love that heals, restores, and never runs out.Mga Taga-Roma 5:6-116: Sapagkat noong tayo'y mah...
21/09/2025

God’s Supernatural Love:
A love that heals, restores, and never runs out.

Mga Taga-Roma 5:6-11

6: Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan.
7: Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid, kahit na maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang taong mabuti.
8: Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.
9: Yamang sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas tayo sa p**t ng Diyos.
10: Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy.
11: At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos.

Alam mo kapatid, habang iniisip ko yung salitang “supernatural love”, nare-realize ko na iba talaga ang pagmamahal ng Diyos kumpara sa pagmamahal ng tao.

Kung tao lang, minsan conditional ang love
“mahal kita kung…” or “mahal kita kapag…”
Pero ang Diyos, iba. Kahit noong panahon na lost ako, puno ng kasalanan, at parang walang direksyon ang buhay ko, minahal pa rin Niya ako.

Para siyang isang Ama na kahit ilang beses mong pasakitin ang puso, hindi ka iiwan. At higit pa doon, Siya mismo yung gumawa ng paraan para makabalik tayo sa Kanya. Hindi Siya naghintay na magbago muna tayo bago Niya tayo minahal.
Romans 5:8 — “while we were still sinners, Christ died for us.” Ibig sabihin, kahit nasa pinakamasamang parte ng buhay natin, minahal Niya na tayo.

Isipin mo yung cellphone na sobrang luma na, basag-basag ang screen, palaging nagha-hang, at minsan ayaw nang mag-on. Kung ikaw may-ari, siguro matagal mo nang tinapon at pinalitan. Pero si Lord, iba. Imbes na itapon tayo kasi “defective” tayo, pinili Niya tayong ayusin at bigyan ng bagong buhay.

Ganun yung supernatural love Niya — hindi nakadepende sa value na tingin ng iba, kundi sa value na nakikita Niya sa atin bilang Kanyang anak.

Kapatid, baka ngayon iniisip mo:
Paano ako mamahalin ng Diyos eh ang dami kong pagkakamali?
Ang dami kong nagawa na ikinahiya ko.

Pero tandaan mo ito: hindi nakabase ang pagmamahal ng Diyos sa nakaraan mo, kundi sa plano Niya para sa iyo.

Hindi ka Niya tinubos para lang manatiling broken.
Tinubos ka Niya para maranasan mo ang fullness ng buhay.
Hindi ka Niya niligtas para lang mabuhay sa guilt. Niligtas ka Niya para maranasan ang kalayaan at kapatawaran.
At hindi lang basta pagmamahal — supernatural ito. Hindi mo kayang i-earn, hindi mo kayang bayaran, at hindi mo kayang tapatan. Tanging grace lang talaga ng Diyos.

Kapatid, yakapin mo ang supernatural love ng Lord. Huwag mong hayaang ang shame, ang doubts, at ang takot ang humadlang sa’yo.

Tandaan mo: you are loved, you are chosen, and you are redeemed.

At kapag naramdaman mo na totoo ngang mahal ka ng Diyos kahit gaano ka ka-imperfect, dun mo rin matututunang magmahal ng iba nang mas totoo at mas tapat. Dahil ang supernatural love Niya, dumadaloy din sa atin papunta sa iba.

Kapatid, Reminder ito na kahit anong pinagdadaanan mo, kahit anong kahinaan mo, mahal ka pa rin ng Diyos — sobra, tapat, at supernatural. At dahil mahal ka Niya, lagi kang may bagong simula.

Address

Cainta

Telephone

+639212974148

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ram.ninety9.found posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ram.ninety9.found:

Share