12/06/2025
“BAKIT KAILANGAN MO TALAGA NG LAPTOP BILANG AMAZON PRODUCT RESEARCHER VA?” 💻
Hindi lang dahil "uso" or "requirement" siya. Kailangan mo siya kasi ito ang sandata mo sa laban.
Kailangan mo ng laptop kasi ‘yan ang pinaka-importanteng tool mo sa trabaho.
Let’s be honest—hindi ito simpleng “search-search” lang sa phone habang naka-higa.
Ang product research sa Amazon is all about:
✅ Data
✅ Market trends
✅ Competitor analysis
✅ Tools like Keepa, Helium10, Jungle Scout, SellerAmpSas
At hindi mo ‘yan magagawa ng maayos gamit lang cellphone.
'Yung mga tools na kailangan mo? Hindi compatible sa phone.
'Yung tabs na bubuksan mo? Hindi kakayanin ng basic device.
'Yung accuracy ng trabaho mo? Malulubog ka sa errors pag wala kang proper equipment.
Product Research = Strategy + Speed + Tools
Kung cellphone lang gamit mo, sobrang bagal ng proseso mo. Mapapagod ka, matagal ka matapos, at baka hindi mo ma-meet ang expectations ng client.
Tapos magtataka ka bakit hindi ka na-renew, bakit wala kang referrals, or bakit hirap ka makakuha ng magandang feedback.
❌ Hindi sapat ang “sipag at tiyaga” kung kulang ka sa tamang gamit.
Here are some things na lagi kong naririnig:
“Coach, puwede ba kahit phone lang muna?”
“Coach, pahiram-hiram lang ako ng laptop sa kapatid ko.”
“Coach, kapag may client na ako tsaka ako bibili…”
Real talk: Kung gusto mo pumasok sa Amazon VA world at magtagal dito, kailangan mo mag-invest.
Puwede ka magsimula sa second-hand laptop, basta kaya niyang mag-run ng multiple tabs and tools. Hindi kailangan brand new agad.
Kasi sa totoo lang…
Hindi ka lang nag-a-apply bilang VA.
Nag-a-apply ka bilang “problem solver.”
At hindi mo masosolve ang problema kung kulang ang gamit mo.
So ask mo sarili mo:
✅ Gusto mo ba ng mas maraming client?
✅ Gusto mo ba ng higher rate?
✅ Gusto mo ba ng long-term success sa VA journey mo?
Then start with the basics: GET. A. LAPTOP.
Walang shortcut, beshie. Skills mo, mindset mo, at tools mo dapat aligned.
Hindi mo kailangang maging pinakamagaling agad.
Pero kailangan mong gumawa ng paraan para makapagsimula ng maayos.
Kung seryoso ka sa VA journey mo, wag kang matakot mag-invest sa sarili mo.
Walang client ang perfect. Walang journey ang madali. Pero lahat ng may disiplina, determinasyon, at diskarte—umaabot sa finish line.
Kaya kung naghihintay ka ng sign kung kailan ka magsisimula… eto na 'yun.
Mag-ipon. Manghiram. Maghanap ng paraan. Kasi kung gusto mo talaga—hindi mo hahayaan na wala ka lang magawa.
You don’t need the best laptop. You just need to START.
Tuluy-tuloy lang, VA. Hangga’t may pangarap ka, may dahilan kang lumaban. 💪✨