25/05/2026
𝗣𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝘂'𝗮 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝗳𝗮𝗵, 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗽𝘂𝗺𝗮𝘀𝗼𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗵𝗿𝗶𝗯 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀. 𝗜𝘁𝗼'𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝘂𝘀𝗹𝗶𝗺, 𝗻𝗮𝗴𝗵𝗮-𝗵𝗮𝗷𝗷 𝗺𝗮𝗻 𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶. 𝗔𝘁 𝗶𝘁𝗼'𝘆 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗻𝗻𝗮𝗵.
Samantalahin ang dakilang pagkakataon na ito. Dahil ang pinakamainam na du'a ay ang du'a sa Araw ng Arafah.
Sinabi ng Propeta ﷺ:
"خير الدعاء دعاء يوم عرفة، وخير ما قلت أنا والنبيّون من قبلي: لا إله إلا الله وحده لا شريك له، له الملك، وله الحمد، وهو على كل شيء قدير".
"Ang pinakamainam na du'a ay ang du'a sa Araw ng Arafah, at ang pinakamainam na sinabi ko (na du'a) ako at ang mga propeta na nauna sa akin ang: 𝙇𝘼 𝙄𝙇𝘼𝙃𝘼 𝙄𝙇𝙇𝘼𝙇𝙇𝘼𝙃, 𝙒𝘼𝙃𝘿𝘼𝙃𝙐 𝙇𝘼 𝙎𝙃𝘼𝙍𝙄𝙆𝘼 𝙇𝘼𝙃𝙐, 𝙇𝘼𝙃𝙐𝙇-𝙈𝙐𝙇𝙆𝙊, 𝙒𝘼 𝙇𝘼𝙃𝙐𝙇-𝙃𝘼𝙈𝘿𝙊, 𝙒𝘼 𝙃𝙐𝙒𝘼 '𝘼𝙇𝘼 𝙆𝙐𝙇𝙇𝙄 𝙎𝙃𝘼𝙔'𝙄𝙉 𝙌𝘼𝘿𝙀𝙀𝙍 (Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah ang Nag-iisa at walang katambal sa Kanya, sa Kanya ang kaharian at pagmamay-ari at sa Kanya ang lahat ng papuri, at Siya ang may ganap na kakayahan sa lahat ng bagay."
[Termidhi, Hasan ayon kay Albani, bagama't mahina ang kanyang sanad]
Sinabi ni Talhah bin Ubaid bin Karíz - رحمه الله - isa sa mga Tabi'in:
"أفضل الدعاء دعاء يوم عرفة".
"Ang pinakamainam na du'a ay ang du'a sa Araw ng Arafah."
[Muwatta ni Imam Malik, Mursal ang hadith na ito]
𝗜𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗨'𝗔 𝗮𝘁 𝗤𝗨𝗡𝗨𝗧 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗥𝗔𝗡 𝘀𝗮 𝗣𝗔𝗟𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘 🇵🇸 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗟-𝗠𝗔𝗦𝗝𝗜𝗗 𝗔𝗟-𝗔𝗤𝗦𝗔 🕌
✍️𝙎𝒉𝙖𝒚𝙠𝒉 𝑴𝙪𝒉𝙖𝒎𝙢𝒂𝙙 𝘼𝒍𝙞 𝙂𝒓𝙖𝒏𝙖𝒅𝙚𝒓𝙤𝒔