18/03/2021
Reality ng Ukay.
Hindi lahat ng bubuksan na bulto, panalo ka.
At hindi din porket mamahalin at #1 ang binuksan mo ay sigurado na magaganda na ang laman.
Sa ukay, pag mareklamo ka, talo ka. Pag tamad ka, talo ka.
Pero sa ukay, pag madiskarte ka, masipag ka at talagang dedicated ka sa ginagawa mo, wow magic, panalo ka!
Minsan akala mo basahan na, wala na, di na mabebenta. Aawayin mo si supplier as if sya ang nag pack ng bulto mo 😅 Madalas sasabihin pa, porket kumita na si supplier wala na syang p**i kahit pangit mabuksan ni buyer. Hindi po, dahil kaming mga suppliers, laging hangad namin na magaganda ang mabuksan ng mga buyers namin para umulit pa sila. Pero di maiiwasan na may sumasablay talaga na bales.
Buyer : ang gaganda ng feedbacks bakit sakin ang pangit??
Answer: yang mga feedback na pinap**ita namin, nadiskartehan na po halos yan.. nalabhan, naplantsa, nai present na nang maayos.. hindi po naka hanger agad ang mga damit pagbukas ng bulto 🤣
Pag pangit ang nabuksan, diskarterhan.
Yan lang ang kailangan para di ka matalo sa ukay.
Look at the pictures below 👇🏻
From basahan to pambenta.
Kung di ka handa sa risks ng ukay, wag ka na magbalak na pasukin to. Dahil ulit ulit namin sinasabi, SUGAL ang UKAY.
Minsan talo, pero madalas PANALO ❤️
-BNB
PHOTOS CTTO