15/08/2020
“Sana all ganyan mag-peel.”
Ang peeling po nakadepende sa skin type. Kung oily skin ka, mataas ang chances na hindi ka masyadong mag-peel or baka micropeeling lang.
Hindi po ako madalas gumamit ng chemical peels (products with AHA/BHA) Gumagamit lang ako kapag feeling ko sobrang dull-looking ng skin ko or kapag nagbe-breakout. Siguro 2-3 months ang interval minsan nga mas matagal pa. Sanay ako na mild products lang palagi.
GLOW UP SET baby ako ever since. Kapag tinutubuan ako ng pimples - nagpapatak lang ako ng Rejuv serum dun sa part na may pimple,
matutuyo na agad! 🙂
Totoong nakakaadik gumamit ng chemical peels kasi instant yung effect. Pero hindi po natin dapat sinasanay yung skin natin na laging gumagamit ng REJUVENATING/EXFOLIATING. Always use in moderation. Baka masira ang skin barrier niyo kapag nag-over exfoliate kayo. 🤍
Every once in a while, Kailangan talaga natin mag exfoliate. Para narerenew yung skin. Hindi siya masama kung palaging tama ang pag gamit. Sundin niyo lang yung instructions! 😉
Pwede kang mamili between BeYOUTHiful Starter Kit and Clear Bomb. 🥳
After 2 months na super duper mild skincare routine lang gamit ko (New Ryx Babies Soon!)
Nag-decide ako mag Clear Bomb. Ngayon pang Day 5 ko na! ✨ Perfect time to exfoliate. ✅
Nasa loob lang ng bahay at hindi masyadong mainit. 🥳🥰
Based on my experience, Hindi siya mahapdi. Hindi na rin ganon ka-tight yung skin ko kasi nagpi-peel na eh. Tight lang naman siya before peeling. Yung pakiramdam na banat na banat yung skin mo!
During peeling:
• Laging mag-apply ng Sun protection (Advanced Moisturizing Cream with SPF 30)
• Kung lalabas ka at maeexposed sa araw, Use Ryx Sunshield and re-apply every 2 hours 🙂
• Huwag niyong tuklapin yung skin niyo. Kusa yan mawawala.
• Normal ang sting effect kapag pinagpapawisan. Wag kakamutin ang skin.
• Normal ang sting effect kapag nagpi-peel yung balat. Pwede mong i-adjust yung routine mo, Pwede mo munang i-skip yung toner. Pero ako kasi tinuloy tuloy ko lang, Dampi dampi lang kapag nagto-toner and para malessen yung sting effect nakatutok ako sa Fan/Aircon kapag nag-aapply! ✨
• Hindi rin binababad sa face ang soap.
• Iwasan sabayan ng kahit anong product kapag gumagamit ng Exfoliating Kit. Tapusin niyo lang muna yung process! 🙂
• Iwasan din mag shave, magpa-wax dahil mas sensitive ang skin kapag nage-exfoliate.
✨