A day in my Life

A day in my Life �Put God in the center of your L.I.F.E.� Hi I am Mr. I will find your ways.

Everything the one stop online shop master, if you need something that might hard for you to find please send me DM.

08/02/2026

A day in my life; break time feels

The best feeling is H.O.M.E. 🏘️
07/02/2026

The best feeling is H.O.M.E. 🏘️

07/02/2026

A day in my life - as a virtual assistance after 5 mos on board.

゚viralシ

26/07/2025

“Application Timeline: Gaano Katagal Bago Ka Makasampa sa Barko?”❗Real talk: Hindi porket nag-apply ka ngayon, bukas nasa barko ka na.Maraming hakbang. Maraming hintayan. At minsan… maraming tanong kung bakit ang tagal.✅ 1. Application & Resume Submission📍 Walk-in or online🕐 1 day to 1 week para mapansin ka📌 Tip: Dapat maayos ang resume, updated ang contact info, malinaw ang position na inaapplyan✅ 2. Initial Interview or Screening Call🕐 Within 1–2 weeks kung may available slot⚠️ Minsan, kahit may experience ka, hindi ka pa rin matawagan kung walang hiring o kulang requirements mo✅ 3. Assessment / Technical Interview💬 English test, trade test, o video interview🕐 Same day or 1–3 days processing✅ 4. Job Offer / LOE (Letter of Employment)📃 Kung pasado ka na sa screening🕐 1 week to several months depende kung may open vessel o standby ka muna✅ 5. Processing of Documents & Medical🔎 PEME, MARINA docs, flag state docs, visas🕐 2 to 6 weeks (kung walang aberya)✅ 6. Visa Application (Kung Kailangan)🛂 US Visa, Schengen, or C1/D🕐 2 to 8 weeks depende sa availability ng schedule at outcome✅ 7. Pre-Departure Orientation & Final Briefing🎒 Final check ng documents🕐 1 to 3 days bago ang alis✅ 8. Flight Schedule / Joining Date🛫 Ticket + embarkation order🕐 1 to 3 days notice minsan — dapat ready ka anytime!🔁 Total Timeline (Average):🕒 2 to 6 months after application — depende kung first-timer ka, rehire, may visa ka na, o agency workload.💬 R Tips:✔️ Laging i-follow up professionally✔️ Keep your documents updated✔️ Be flexible sa posisyon o schedule✔️ Wag mawalan ng loob — ang importante, tuloy ang laban🎙️ “Ang pagsampa sa barko ay hindi karera — ito ay pasensya, diskarte, at paghahanda. Hindi man agad, basta tuloy-tuloy, makakarating ka rin sa barko.”📌 Save & Share para sa lahat ng naghihintay ng tawag!

“Salaysay sa totoong PANGYAYARI ng isa sa mga pinoy crew na napauwi sa cruiseship”-Ako po ay isang Seafarer, Galley Atte...
25/07/2025

“Salaysay sa totoong PANGYAYARI ng isa sa mga pinoy crew na napauwi sa cruiseship”

-Ako po ay isang Seafarer, Galley Attendant sa Barkong Carnival Sunshine na nakaHomeport sa Norfolk Virginia o mas kilala sa Kumpanyang CARNIVAL CRUISE LINE . Nais ko pong ihatid ang buong pangyayari na kung bakit ako napauwi . June 08, 2025 around 7:20am kasalukuyan po akong nagtatrabaho sa Galley ng barko sa Deck 9 lido ng biglang dumating ang Mga Custom Border Police o CBP officer sa mismong lugar kung saan ako kasalukuyang nagtatrabaho kasama ang isa sa mga Security ng aming Barko . Inanyayahan po nila akong sumama sa kanila . Una kinapkapan po nila ang buong katawan ko at Hinahanap ang aking Mobile Cellphone . Sinabi ko po sa kanila na ang Cellphone ko po ay nasa aking Cabina dahil hindi po ako nagdadala ng Cellphone sa oras ng aking trabaho kaya sinamahan po nila akong kunin ang Cellphone ko sa aking cabin sa deck A. Pakatapos po noon kinuha ko po yung phone ko at agad na ibinigay sa kanila . Kinapkapan po nila ako ulit noon pagkatapos ay lumabas na kami ng barko at nagtungo sa kanilang Opisina . Pinaghintay pa po ako sa kanilang waiting area ng ilang oras bago ipasok sa Interrogation room . Nung nakapasok na po ako doon ay may 3 Cbp officer na armado na kasama ko . Ang isa po ay hawak ang aking Cellphone at kinakalikot ang phone ko , ang isa naman ay Syang naglilista ng lahat ng detalye mula sa aking pagkakaalala at ang isa naman po ay ang mag.iinterview sa akin. Sa umpisa pa lamang po ng Interview ay iba na ang kutob ko parang may hindi magandang mangyayari . Nagpakilala po sila sa akin ang naaalala ko na lamang po ay Si john na syang nanakot at nagbintang ng kung anu ano sa akin . Nagsabi po sila at may inabot na papel o fliers na nakalagay ay ang US custom border police ay nagkaConduct ng Elecronic gadget inspection hindi ko na po nabasa ng buo yun dahil sobrang haba at natatakot na po ako that time .Nagsabi po si John na ayaw nya na raw po patagalin pa ito lahat daw po ng itatanong nya ay kailangan kong sagutin at kapag nagsinungaling daw po ako ay magmumulta daw po ako ng 250,000$ at makukulong ng 5-10years . At pagkatapos noon sinabi nya po sa akin na ako daw po ay nanonood ng Po*******hy at syang itinanggi ko naman po dahil hindi naman po talaga ako nanonood noon biglang sabi na sinabi nya sa English na
"Anu bang mali sa panonood ng Po*******hy? Kase ako nanonood ako" sabay nakisali rin yung dalawang kasama nya na "Yes even me i watched p**n" pati rin po yung nag.iinspection ng phone ko nagsabi na sya rin nanonood ng Po*******hy . Pilit po nila akong pinaaaamin na aminin ko na raw po . Hanggang sa Dumating sila sa tanong na kung ako daw po ay nanonood ng Child p**nography. Ang sabi ko po hindi dahil may mga kapatid akong babae at may asawa at anak na ko . Bigla silang nanakot na kung mayroon daw po ba kong pambayad na 250k$ at kung gusto ko daw ba makulong . Maraming beses po nila akong pilit na kinukumbinsi na i admit yung paratang nila . Nagsabi po ako sa kanila na alam ko po at alam ng dyos na hindi po ako nanonood nyan. Sinabi pa po nila saken na alam nilang sa pinas daw po ay malaya daw po kaming manood ng Child p**nography. Na syang itinanggi ko po at sinabi ko po na sa bansa po namin ay hindi rin po allowed yan at may kaso rin po yan . Nandun na rin po yung pangdidiscriminate nila sa pagiging pinoy ko . Binagsakan din po nila ako ng posas sa harapan ko at minumura nila ako ng F**k you . Kase ayaw po nila maniwala saken . Ilang beses po sila naglabas pasok sa loob ng room na para bang paglabas nila ay magmemeeting sila ng 5mins then babalik sa loob ng room at dun pipilitin nanaman po nila ako umamin. Noong time na po na yun ipinagpa sa dyos ko na lang po kung anung mangyayari saken . Inisip ko na lang po na kung ikukulong nila ako dyos na bahala sa pamilya ko. At nung bumalik po sila sa loob ng room todo pa rin po sila sa pagpipilit saken na i admit na nanonood daw po ako ng Child p**nography at may hawak na raw po silang ebidensya.

May hawak po silang papel na nakatupi . Una po nilang pinakita is yung litrato ko sabay sabi nila saken na ako raw po ba ito . For me opo ako yun dahil yung picture na yun is naaalala ko yun yung time na lumapag na yung barko namin sa Norfolk last feb2025 at lahat po ng crewmember ay pupunta sa Immigration kasama ang HR department para litratuhan at makakuha ng Landing permit o kung tawagin ay I95 . Kaya alam ko common sense talagang meron sila nun kasi sila mismo kinuhaan nila ako ng litrato nun . At sumunod pinakita nila sa papel na nakalagay yung Details ko . Para saken naman ay of course meron sila ng details ko syempre immigration sila imposible na wala . At sa pinakahuli may pinabasa po sila sa akin na ako raw po ay nanood ng Minor noong October 2021 at nagpasa ng Litrato ng Minor October 2021 din . Ako po ay nagtataka kase napaka imposible po nito . Eversince po wala po akong pinanonood na ganun o pinapasa at nakakapagtaka yung ebidensya na sinasabi nila dahil nakasulat lang ito by words at hindi tukoy kung saang platform ba nanggaling yan kung galing ba yan ng Facebook, Twitter, IG etc. malinaw sa akin na hindi totoo iyon at yun lamang ay gawa gawa lang nila para matakot ako at umamin sa kasalanang binibintang nila . Patuloy pa rin po nila ako tinatakot at tuloy pa rin po ako sa pagsabi ng "No" its not true . I know to my self that i never do that things . Hanggang sa binibintang na po nila saken na kaya raw po ako may Visa is may plano raw po akong tumakas sa barko at magtrabaho sa US as Illegal. At tinanggi ko pa rin po iyon sinabi ko po na kaya po ako may Visa ng US ay para lamang po sa pagtatrabaho ko sa Carnival at wala po akong intensyon na tumakas at magtrabaho sa US as Illegal marami pa pong klase ng pananakot ang nangyari hanggang sa wala na po silang magawa at ibinalik na nila ako sa barko around 10:30am. After po nun sobrang trauma po ang nangyari saken . Takot na takot pa rin po ako at hindi makapagtrabaho ng maayos sa barko . Hanggang sa mga dumating na embarkation may kinukuha pa rin sila at ininterrogate. At nung June 28 2025 kinuha nananamn po nila ako sa pinagtarabahuhan ko around 7am . Kasama ang mga kasamahan ko na kinuha rin nila before . Nsa 9 na tao po kami nun hindi po namin alan kung anu pa mangyayari that time . Hanggang pumasok nanaman po ako sa Interrogation room may nag.interview po sa akin si Deborah Spencer babae po sya . Malumanay lang naman po sya magsalita at hindi nananakot . Lahat po ng inanong nya gusto nya lamang po na sagutin ko at sya namang nililista nya sa Computer . Tinanong ko rin po sya kung anung nangyayari . Ayaw nya po akong sagutin at sinabi na mamaya ko raw po malalaman . Itanong ko na lang daw po sa kabilang room mmya . Hanggang sa matapos ako interviewhin ni Deborah at sinabi na irerevoked nya daw po yung Visa ko . Tinanong ko po sya maam kung bakit ?? Ang sabi nya lang po meron daw po silang ebidensya. Tinanong ko po sya anung ebidensya iyon ipakita nyo saken . Pero wala po silang pinakikita . Sabay pinalabas na po nila ako . Nung nasa kabilang room na po ako dun na nila ako kinuhaan ng Fingerprint pti dna. Nagtatanong pa rin po ako sa Cbp officer na nandun kung anu po bang nangyayari ang sagot lang po nya mmya malalaman mo rin . Sabay ngiti . Sa madaling salita ayaw po nila sabihin samin nung time na yun kung anung gagawin nila samen . Nung time na yun galing pa rin ako ng work at nakauniform pa ko . Hanggang sa pinapipirma po nila kame sa papel na ayaw po nila ipaliwanag kung anung nakasaad dun sa papel na yun . Nagagalit pa po sila pagmarami po kaming tanong . Nandun pa yung sinigawan nila yung kasamahan ko si david kase ayaw pumirma . Tinatanong lang naman nya kung anung kaso namin at anung mali , nsan ang ebidensya. At dun nagulat nlng po kami lumabas na mga gamit namn galing sa barko . Luggage, bag etc. hanggang sa naiwan na kami ng barko kse idedeport na pala kmi. Kahit po sa pag uwi namin kalbaryo ang ginawa samin. Pagdating namin sa Dallas airport sinundo nnaman kame ng cbp officer doon at todo discrimination nanaman nangyari para kaming mga criminal na naglalakad sa Airport . Hanggang marating namin yung opisina nila kinapkapan nanaman buong katawan namin and after noon dahil matagal pa flight namin kinulong nila kame sa isang holding room. Na wala kang dalang gamit .

Maam sir eto po ang detalye na pangyayari kung anong nangyari sa amin lahat po ito ay totoo at sana po paniwalaan nyo po ako. Ang nais ko lamang po ay tulungan nyo po kami makamit yung Hustisya na ginawa samen ng Cbp sa Virginia. Sana po matulungan nyo po ako na i dismissed ang revoked kong visa . Tanging hangarin ko lang po ay magtrabaho ng maayos sa barko at buhayin ang pamilya ko . Wala po akong plano na tumakas o magtrabaho sa lupa ng america . Ang hinihiling ko po dito sana po tulungan nyo po ako na maibalik yung visa na ipinagkaloob sa akin . Dahil ngayon po ay hindi na ako makausad kahit mg.apply sa ibang kumpanya ay hindi na dahil sa revoked ang US visa ko. Inosente po ako at biktima lamang ng maling paratang ng Cbp sa Virginia. Nakasaad po sa papel na ipapasa ko na pinatawan nila kame ng section 252 wala po kaming sapat na kaalaman sa law ng US . Pero sana po matulungan nyo po kami . Sana po matulungan nyo po ako . Maraming salamat po . 🥺

Ctto: Kamarino Vlog

⚓ FROM PROMISING OFFICER TO PRISONER: THE 18-YEAR FALL OF HAROLD ESTOESTAWhen Harold Estoesta stepped aboard the MV Matt...
24/07/2025

⚓ FROM PROMISING OFFICER TO PRISONER: THE 18-YEAR FALL OF HAROLD ESTOESTA

When Harold Estoesta stepped aboard the MV Matthew, he was supposed to be living the dream many Filipino cadets work years to reach. He had just joined the vessel, kakasampa lang, as we say. A fresh posting. A second officer's role. For most, it’s a badge of honor.

But just days into the voyage, Harold found himself in the middle of what would become Ireland’s largest-ever co***ne seizure: over 2.2 tonnes of co***ne, hidden aboard their ship, with a street value of €157 million.

👨‍✈️ WHO WAS HAROLD BEFORE THE FALL?

Harold Estoesta wasn’t just some random crew. He was well-educated. Sharp. Fluent in English. A graduate of a Philippine maritime academy known for producing elite officers. Those who knew him described him as diligent, smart, and competent. He earned the position of second officer — a role that often handles communication, navigation, and bridge watchkeeping. In short: someone trusted.

That trust would become the center of his downfall.

🧩 THE DRUG RAID THAT CHANGED EVERYTHING

In September 2023, the Irish Navy launched Operation Seabight, intercepting the MV Matthew off the coast of Cork. The vessel was flagged for suspicious movement, possibly preparing a mid-sea drop of illicit cargo to a smaller fishing vessel (Castlemore).

What they found onboard shocked even Irish authorities:
- 🚨 Over 2.2 tonnes of pure co***ne
- 🚨 A multinational crew: Filipinos, Iranians, Ukrainians, Dutch
- 🚨 Encrypted communications and WhatsApp group chats coordinating the operation

Among the arrested: Harold Estoesta, second officer.

🗣️ HIS DEFENSE: “I WAS TRICKED”

At first, Harold told Irish investigators:

“I was told we were just carrying spare parts. I followed the orders of my seniors. I didn't know what was really happening.”

He claimed:
- He was a new joiner, unaware of the cargo's real contents.
- He was terrified when he saw armed men at sea moving cargo.
- He feared for his life if he disobeyed or exposed the plan.

🔍 WHAT THE COURT FOUND

Despite his pleas, Irish authorities uncovered evidence that told a different story:
- ✅ Harold was part of a WhatsApp group labeled “deck officers,” used to relay instructions.
- ✅ He gave stalling instructions to the Irish patrol vessel, claiming they had families aboard and were a harmless commercial ship, while the crew waited for backup or direction from Dubai-based contacts.
- ✅ He had been assigned this role in early September, suggesting prior awareness before the arrest.
- ✅ The court added new charges under Ireland’s Criminal Justice Act 2006: knowingly participating in a criminal organization’s activities.

In February 2025, Harold changed his plea to guilty. By July, he was sentenced to 18 years in prison, the second-longest sentence among the 8 men convicted.

💔 HOW DID A FILIPINO SEAFARER END UP HERE?

Harold wasn’t a cartel boss. He didn’t own the drugs. But he was the bridge link, the one on comms, the one who helped delay boarding, the one who knew enough and didn’t speak out.

Maybe it started with fear. Maybe with blind loyalty. Or maybe, just maybe, with a promise of money, a bonus, a way out of debt.

The court said men like Harold were “essential cogs in a transnational machine.” Not masterminds, but the executioners of logistics. Without crew like him, there is no operation.

🧠 THE BIGGER PICTURE: HOW MANY HAROLDS ARE OUT THERE?

Every year, thousands of Filipinos step onboard vessels they know little about. Some get lucky. Some become headlines.

The maritime world is changing — and seafarers, especially young ones, are becoming targets for exploitation. Promises of fast money. Coercion by superiors. Fear of retaliation. Or simply not knowing who to trust in the chain of command.

Harold’s story isn’t just about guilt. It’s about the thin line between duty and destruction at sea.

🧭 FINAL THOUGHTS

Harold Estoesta now sits behind bars in Ireland. A bright cadet turned convicted officer. 18 years of his life, gone.

Not because he pulled a trigger, but because he didn’t ask questions. Because silence, at sea, sometimes gets you killed… and sometimes, it gets you 18 years.

📢 Stay updated on maritime news, seafaring life, history, memes, and industry trends.

📷 Ctto

"NAKALIGTAS AKO SA RED SEA"Hindi ko akalaing makakauwi pa ako nang buhay. Sa bawat pagsayad ng alon sa bakal na katawan ...
23/07/2025

"NAKALIGTAS AKO SA RED SEA"

Hindi ko akalaing makakauwi pa ako nang buhay.

Sa bawat pagsayad ng alon sa bakal na katawan ng barko namin, sa bawat yabag ko sa main deck habang kita ko sa malayo ang karagatan ng Red Sea, dala ko ang takot na baka iyon na ang huling lakad ko.

Gabi iyon, tahimik ang dagat pero mabigat ang hangin.

May mga bulung-bulungan na naman tungkol sa missile attack malapit sa ruta namin.

Akala ko dati, balita lang. Pero noong mismong gabi na iyon—nang-gising ang putok. Umalingawngaw ang pagsabog mula sa bridge. Umuga ang barko.

Nawalan ng ilaw. May sumigaw. May mga tumakbo. May naiwan. Lahat kami, takot, takbuhan, at dasal.

Nagkubli ako sa ilalim ng bakal na hagdanan sa engine room, nanlalamig ang katawan, nanginginig ang k**ay habang hawak ang rosaryo na bigay ng nanay ko.

Hindi ko alam kung anong parte ng katawan ko ang mas nanginginig—puso ba dahil sa takot, o tuhod dahil sa kabang baka ako na ang susunod.

"Lord, iligtas Mo po kami. Gusto ko pang makita ang pamilya ko. Gusto ko pang mayakap ang anak ko. Gusto ko pang ituloy ang pangarap ko. Ayokong dito na matapos ang lahat."

Walang ibang masandalan sa barko kundi ang panalangin. Lahat kami, kahit iba't ibang lahi, iba't ibang wika, iisang hiling—kaligtasan.

Sa gitna ng panganib, nagkakaisa kami sa katahimikan ng dasal.

Ilang oras din ang lumipas bago kami nakasigurong ligtas. May mga nasugatan, may nasiraan ng loob, pero salamat sa Diyos, ako'y buhay.

Hindi ko alam kung anong meron bukas, pero ang alam ko—nabigyan ako ng panibagong pagkakataon. Hindi ko ito sasayangin.

Ngayon, tuwing lumuluhod ako sa k**a ko sa bahay, iba na ang laman ng dasal ko.

Hindi na lang kaligtasan. Kundi pasasalamat. Dahil hindi lahat ng tumatawid sa Red Sea… ay nakaka-uwi.

Panalangin para sa Kaligtasan ng Luzon 🙏🤍Panginoon, sa oras ng unos at panganib, kami po ay lumalapit sa Inyo. Ipinagkak...
23/07/2025

Panalangin para sa Kaligtasan ng Luzon 🙏🤍

Panginoon, sa oras ng unos at panganib, kami po ay lumalapit sa Inyo. Ipinagkakatiwala po namin sa Inyong pag-iingat ang buong Luzon, lalo na ang mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Dante at Emong.

Sa gitna ng malalakas na hangin at walang tigil
na ulan, nawa'y maging matatag ang bawat pamilya, ligtas ang bawat tahanan, at may sapat na lakas at pag-asa ang bawat isa.

Protektahan N'yo po ang mga walang masisilungan, ang mga mangingisda, magsasaka, at mga bata. Gabayan po Ninyo ang mga tagapagligtas,
mga opisyal, at mga boluntaryong tumutugon sa panahon ng sakuna.

Ipagkaloob Ninyo sa amin ang kalma ng
kalooban, kaliwanagan ng isip, at kabutihan ng puso upang magkaisa sa pagtulong sa isa't isa.

Sa Ngalan ni Hesus, Amen.

Ctto: Rosellee Maverick

"NAPAUWI AKO SA CRUISE SHIP SA AMERICA"Ako ay isang utility steward sa isang cruise ship. Tatlong kontrata na ako sa bar...
22/07/2025

"NAPAUWI AKO SA CRUISE SHIP SA AMERICA"

Ako ay isang utility steward sa isang cruise ship. Tatlong kontrata na ako sa barko.

Hindi ako ang pinak**agaling, pero alam kong isa ako sa mga maaasahan. Tahimik lang ako. Trabaho lang.

Ang goal ko lang naman — makapag-ipon, makapundar ng lupa, at mabigyan ng magandang buhay ang mag-ina ko sa Pilipinas.

Pero kahit anong tibay ng loob ng isang seaman, may mga gabi talaga na binabalot ka ng lungkot. ‘Yung tipong pagod ka na, pero hindi pa rin makatulog. Miss mo pamilya mo. Wala kang makausap. Wala kang kayakap. Doon pumapasok ang cellphone. Chat. Scroll. Video.

Isang gabi, habang nasa cabin ako, may kasamang nag-send ng link sa GC. Sabi niya:

“Tingnan niyo ‘to mga bro, pampawala ng stress.”

Akala ko kung anong kalokohan lang, prank video, comedy, basta pampalipas oras. Wala akong masyadong inisip. Click lang. Nanood lang.

Maya-maya, may kumatok. IT personnel. Dinala ako sa office. Tinanong ako kung anong mga site ang binuksan ko. Hindi ako makapagsalita agad. Pati cellphone ko kinuha nila.

Kinabukasan, pinatawag ako ng Staff Captain. Iba na ‘yung pakiramdam. Naramdaman ko na. Sabi niya:

“Under US maritime regulations and company policy, you’re being repatriated for accessing explicit, illegal content via the ship’s Wi-Fi.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko naman sinasadya… Hindi ko naman alam na ganun pala ‘yun… Pero hindi na mahalaga kung sadya o hindi. Sa kanila, malinaw: may violation ako.

Sa loob ng 24 oras, nakaempake na ako. Walang chance makapaliwanag. Walang second chance. Walang pakiusap.

Habang bumababa ako sa port ng America, naiiyak ako sa galit, sa takot, sa hiya. Tinext ko asawa ko:

“Love, pauwi ako. Hindi ko maipaliwanag. Pag-uwi ko na lang…”

Sa eroplano, habang tinitingnan ko ang passport ko, parang wala nang saysay. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa barko. Hindi ko alam kung tatanggapin pa ako ng agency. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ng sarili ko.

Ngayon, nasa bahay na ako. Walang trabaho. Walang sahod. Walang siguradong kinabukasan.

Tuwing gabi, hindi na cellphone ang hawak ko. Dasal na. Dasal na sana, mapatawad ako. Dasal na sana, maibalik ang tiwala. Dasal na sana, bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon.

ARAL PARA SA MGA KABARO KO:

• Sa barko, isang maling pindot, puwede kang mawalan ng karera.
• Huwag mong paglaruan ang tiwala ng kumpanya.
• Huwag mong sayangin ang pinaghirapan ng pamilya mo.
• Minsan, hindi kailangan ng malas… minsan, sapat na ang isang click para bumagsak ang mundo mo.

"Hindi ako pinauwi dahil masama akong tao. Pinauwi ako dahil naging pabaya ako—at ngayon, araw-araw kong pinagbabayaran ‘yun."

CTTO: PambansangMarino

19/06/2025

STEP-BY-STEP GUIDE TO BECOME A HOUSEKEEPING PUBLIC AREA ATTENDANT

✅ 1. Understand the Role
Duties include:
Cleaning and maintaining public areas (lobbies, hallways, restrooms, elevators, lounges)
Ensuring cleanliness, sanitation, and safety
Restocking supplies (tissue, hand soap, sanitizers)
Reporting damage, hazards, or suspicious activity

🧼 This is a physically active job that requires attention to detail and a customer-friendly attitude.

✅ 2. Finish Basic Education
High school diploma is usually enough.

TESDA or vocational training is a big plus!

✅ 3. Complete Relevant Trainings
For local hotel work:

TESDA NC II in Housekeeping (optional but highly recommended)

For cruise ship jobs, you’ll need:
⚓ Basic Training (BT) – SOLAS safety training
🛟 Crowd Management
🚨 Crisis Management
🔐 Security Awareness (SDSD)
🪪 Valid Seaman’s Book (SIRB)
🩺 PEME (Medical Clearance)

Where to train?
Maritime schools like:

Far East Maritime Training Center (FEMTC) "Discounts included for members of Buhay Sa Cruise Ship look for Sir MJ.

MIHCA - They also have culinary, F&B and Housekeeping Trainings for Cruise Ship

✅ 4. Build Experience Locally
Apply in:
Hotels and resorts
Malls or office buildings as janitorial/public area crew

Local manning agencies with land-based deployment
📝 Use this experience when applying for cruise ship positions.

✅ 5. Apply Through Legit Manning Agencies
Cruise ship hiring agencies in the Philippines:

Magsaysay Maritime
United Philippine Lines (UPL)
OSM Maritime
Manning offices under RCCL, MSC, Costa, Carnival, etc.
📌 Check DMW/POEA accreditation before applying.

✅ 6. Prepare Documents
Updated resume
Passport (valid 2 years)
Seaman’s Book
Training Certificates
High School Diploma / TOR
Police/NBI Clearance
COE from previous jobs (if any)

✅ 7. Prepare for the Interview
Common Questions:

“Why do you want to work as a public area attendant?”

“How do you clean and disinfect restrooms?”

“What will you do if a guest complains about a dirty area?”

💡 Practice polite, confident answers. Always smile and show willingness to work hard.

✅ 8. Wait for Line-Up & Deployment
Be patient, responsive, and always follow up professionally.

Attend pre-deployment briefings and complete additional requirements.

🔑 REMEMBER:
Being a Public Area Attendant is a great entry-level role that can lead to promotions in the housekeeping department (like Cabin Steward or Team Leader) especially onboard cruise ships!

Photo 📷
Perol Alex
RCCL Housekeeping Public Area Attendant

Now: He was promoted on other ship as Stage Crew Staff on a Cruise Ship. CONGRATULATIONS!!!

CTTO
Rinell Banda
Buhay Sa Cruise Ship Founder

Address

B15 L55 R4 Acacia Townhomes Toclong
Kawit
1403

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when A day in my Life posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to A day in my Life:

Share