10/02/2026
"I Don’t Want to Be Outdone – So Don’t Even Try!"
We all know that someone, na parang sila lang ang pwede magtagumpay, you know? They walk around with this superiority vibe, na parang sila lang ang may karapatang maging successful sa lahat. And the moment they see someone planning to start a business or chase their dreams? Biglang lalapit sila para pigilan ka.
I remember nung isang beses, may kakilala akong sobrang excited magbukas ng small shop for hand-painted mugs and keychains. She worked on those designs for weeks, ang ganda-ganda talaga, sobrang unique! Pero may isang tao daw na biglang nagsabi, "Are you sure about this? Marami na kasing nagbebenta ng ganitong bagay online eh. Baka hindi ka makapag-compete, malugi ka pa."
At first, akala namin concern lang siya – pero later on, narinig namin siyang nagsasabi sa iba, "Ayaw ko lang naman na siya yung mapag-usapan bilang successful, e. Ako naman mas matagal nang gumagawa ng mga ganitong bagay." Ah, ngayon ko gets – hindi talaga siya nag-aalala, ayaw lang talagang ma-overtake o "malamangan" ng iba.
Minsan pa nga, bibigyan ka pa nila ng mga "reasons" para tumigil ka – "You won’t be able to handle the stress ng pagmamay-ari ng negosyo" or "Mababaliw ka sa dami ng gagawin pag busy ka na sa trabaho." Pero alam mong ang totoo, iniisip nila lang na kung ikaw ay magtagumpay, mawawalan sila ng kanilang "TOP DOG" status. Parang ang buhay ay isang paligsahan na may iisang medalya lang at kung ikaw ang makakuha nun, ibig sabihin talo sila.
Pero here’s the thing, hindi naman ganun ang buhay. Success isn’t about being better than everyone else. Ang tunay na tagumpay ay nung nakakamit mo 'yung mga pangarap mo, nagagawa mo 'yung bagay na nagpapasaya sa'yo, at minsan pa nga ay nakakatulong ka pa sa iba para makamit din nila ang kanilang mga pangarap.
Parang sa barkada lang din yan, hindi ibig sabihin na kung may isang kaibigan kang nakabili ng bagong bahay, talo ka na agad. Pwede kayong magsama-sama para mag-celebrate, at pwede pa niyang ibigay sa'yo ang mga tips na natutunan niya habang nag-iipon siya. Ang buhay hindi naman kasing liit ng isang upuan, maraming puwesto para sa lahat ng gustong magsumikap at abutin ang mga pangarap nila!
Kung makakakita ka ng taong ganito, wag mong hayaan na makuha nila ang saya at kumpiyansa mo sa mga plano mo. Maging mabait ka pa rin sa kanila, pero tandaan, ang tagumpay ng iba ay hindi dahilan para hindi mo rin makamit ang sarili mong mga pangarap.
Ikaw?
Have you ever had someone try to talk you out of doing something you were really passionate about? How did you keep pushing forward despite their words?