22/04/2021
โ๐๐๐ข๐๐ข๐๐๐ง ๐ฉ๐๐๐ฉ ๐ฌ๐๐๐ฃ ๐ฎ๐ค๐ช ๐ก๐๐๐ซ๐ ๐ฉ๐๐๐จ ๐๐๐ง๐ฉ๐, ๐ฎ๐ค๐ช ๐๐๐ฃ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐ฌ๐๐ฉ๐ ๐ฎ๐ค๐ช ๐ฃ๐ค๐ฉ๐๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐ฉ ๐๐๐ซ๐ ๐ง๐๐๐๐๐ซ๐๐--๐ค๐ฃ๐ก๐ฎ ๐ฌ๐๐๐ฉ ๐ฎ๐ค๐ช ๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ซ๐๐ฃ.โ
โ ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐จ ๐ค๐ ๐ผ๐จ๐จ๐๐จ๐
Kabutihan at Kapayapaan sa bawat isa!
Ang Franciscan Youth Movement - GMA fraternity sa pakikipagtulungan ng San Jose Manggagawa Parish, sa pamamagitan ng malasakit at tulong ng mga organisasyon at pribadong tao, naisagawa ang isang simpleng MOBILE COMMUNITY PANTRY sa ating Parokya noong Abril 21, 2021, sa pagpapatuloy ng pagbabayanihan sa ating komunidad. Ang maliliit at simpleng donasyon na pinagsama-sama ay nakatulong sa 100-150 katao sa ating komunidad. Ito ay naglalayong makatulong sa mga nangangailangan at makahikayat sa mga may kakayahang tumulong sa sarili nilang paraan sa panahon ng pandemya.
Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa buong parokya ng San Jose Manggagawa, mga organisasyon sa loob nito, sa mga taong patuloy na nagmamalasakit sa kapwa, at sa mga kababayan na handang tumulong upang maging maayos na maisagawa ang proyekto sa unang araw nito.
Batid natin ang laki ng pangangailangan ng ating komunidad lalo na sa panahon ng pandemya, at sa kabila ng ating kagustuhan na maglunsad sa ibaโt ibang lugar ng ating mobile community pantry-- lalo na sa mga lugar na higit na nangangailangan sa mga darating araw-- ito po ay nakadepende pa din sa ating lahat na handang magbigay ng kahit anumang makakayanan. Ito po ay hindi lamang gawain ng mga organisasyong unang nagtulong-tulong ngunit isang BAYANIHAN ng buong komunidad ng San Jose.
SA MGA NAIS MAGPABATID NG INYONG TULONG, maaari pong magsend ng message sa page na ito o sinumang miyembro ng FYM GMA para sa iba pang detalye.
"Isa man o dalawa ang magtutulong-tulong, lahat tayo ay makakabangon, padayon."๐