12/05/2026
Ilang beses na rin tayo nakakakita sa FB ng mga posts nitong mga nakaraang araw na mga na-scam sila sa pag-order ng eggs. Hindi natin mawari bakit may tao na ayaw lumaban ng patas, magtrabaho ng marangal, at mas pinipili manloko ng kapwa at nalulunok nila na iyon ang ipakain sa kanilang pamilya.
Dahil naglipana ang mga manloloko, ito ang ilang mga tips para makaiwas sa scammers sa itlog business.
1. Buy only from trusted sellers
It is better to check reviews and customer feedback before ordering. Avoid sellers with new accounts, no contact details, seemingly dummy or bogus accounts, or offering unrealistic offers (bagsak presyo).
2. Avoid full payment upfront without proof.
You can ask for recent photos or videos of the eggs, packaging, and delivery. It is strongly suggested to use cash on delivery (COD). Kapag nanghingi agad ng pera o bayad, magduda ka na. Mas mabuti na hanap na lang ng iba.
3. Verify prices and delivery details carefully.
Scammers lure buyers with prices far below market rate. Hindi porket sobra sobra sa pagkamura ng itlog, ay ok na, hindi como medyo mataas na presyo ay overpriced na agad. Those offering na super low price can either be a scammer luring you na kunwari makakamura ka at nilalaro ang greed na emotion mo para kumita ka ng malaki, or pwede rin na luma na ang mga itlog at gusto lang madispose. Baka sa sobrang mura ay sa huli ay mapamura ka. Keep screenshots of all conversations and receipts for reference for documentations.
Ang tinda kong itlog ay mura maski hindi sya ang pinakamura sa lahat. Maraming tumatawad at hindi natutuloy bumili dahil naghahanap ng sobrang mura. Tipong halos ang gusto nila ay ipamigay mo na lang ang itlog sa kanila. Ok lang iyon. Basta ako, maski hindi soooobrang mura ang benta kong itlog at hindi ganun kalaki ang tutubuin ko, ang mahalaga ay sigurado sa quality at sa transaction ang mga customers ko. Yun ang pinaka importante sa akin, na galing sa malinis at tapat na transaction ang business ko.
Good luck mga kababayan at extra ingat.