08/06/2026
Share ko lang. ❤️
Sarap lang sa pakiramdam na sa simpleng pagbebenta ng mga jacket at branded ukay, nakakakilala ka ng iba’t ibang tao. Hindi man tayo pare-pareho ng edad, estado sa buhay, o panahon na kinalakihan, pero iisa ang vibes natin — yung hilig nating pumorma at maging confident sa sarili.
Kanina may bumili sakin ng jacket, si Kuya Celso,Kitang-kita ko yung tuwa niya nung nakuha niya yung napili niyang jacket. At sa totoo lang, mas natuwa pa yata ako bilang seller. Hindi dahil may benta, kundi dahil nakita ko yung genuine happiness niya habang suot at tinitingnan yung napili niyang item ☺️.
Minsan nakakalimutan natin na hindi lang tela ang binibenta natin. Minsan confidence din, good memories, at yung simpleng saya na naibigay natin sa customer.
Kaya para sa mga mahilig sa branded ukay, walang masama sa pagporma. Hindi mo kailangan gumastos nang sobra para magmukhang maayos at presentable. Ang importante, marunong kang pumili at marunong kang mag-enjoy sa pinaghirapan mo.
Branded ka man, ukay man, ang mahalaga hindi wasak ang bulsa pero panalo pa rin ang porma. 😎
Life is too short para laging magpigil sa mga bagay na nagpapasaya satin. Kung may pagkakataon tayong maging masaya, pumorma, at maging confident nang hindi gumagastos nang sobra, bakit hindi?
At higit sa lahat, salamat sa bonding at kwentuhan, Kuya Celso. 🙏❤️ Hindi lang customer ang tingin ko sa mga taong nakikilala ko sa Mi-Mo. Bawat isa may kwento, may pinagdaanan, at may inspirasyong naiiwan.
Salamat sa tiwala at suporta. Nakakatuwang isipin na sa isang simpleng jacket, may nabubuong koneksyon at bagong pagkakaibigan.
Stay humble. Stay stylish. At piliin nating maging masaya.
✨
PS: Sa tuwa ni kuya pinainom nya ako 🤣 11:30pm sya dumating hinintay ko sya galing work ☺️ thank you lord ☝🏻