05/05/2026
(Manuscript from last Afterglow Symposium: Behind the Scenes-God is working even in difficult moments.)
“When Life Hits You…”
May mga pagkakataon ba sa buhay mo na parang sinampal ka ng tadhana?
Hindi lang simpleng pagkadapa—kundi mga pangyayaring nag-iwan ng sugat sa pagkatao mo.
At ang pinakamasakit?
Wala ka namang kinalaman.
Hindi mo pinili.
Hindi mo ginusto.
Hindi mo hiniling.
Pero nandyan na.
It’s unfair. It’s heavy. It’s painful.
At buong buhay mo, apektado.
Your future feels uncertain.
Your heart feels heavy.
Your perspective changes.
Some of us are carrying
a kind of pain we never asked for.
-------------------------------------
Sa pagpapatuloy natin sa aklat ng Ruth,
makikita natin ang isang katotohanan:
Behind the scenes, God is still working—even in difficult seasons.
Sa Ruth 1:20–21, sinabi ni Naomi:
“Don’t call me Naomi… call me Mara, for the Almighty has made my life bitter…”
Alam niya kung sino ang Diyos.
She calls Him El Shaddai—the Almighty.
Pero ang puso niya… was struggling.
And this is real:
Our minds can recognize who God is,
but our hearts sometimes struggle to believe.
Hindi ito simpleng pagsisi sa Diyos—
Ito ay isang pusong hindi maipagdugtong ang
“kilala kong Diyos”
at ang
“nararanasan kong realidad.”
“Lord, kilala kita…
pero bakit hindi Mo pinigilan?
Bakit hindi Ka nag-intervene?”
Parang sinasabi ng Psalmist:
“Why, my soul, are you downcast? …Put your hope in God…”
May laban sa loob.
May tension sa pagitan ng alam ng isip
at nararamdaman ng puso.
At minsan, nahihirapan tayong tanggapin na
mabuti pa rin ang Diyos
kahit pangit ang nangyayari.
At hindi mali ang maramdaman ‘yon.
-------------------------------------
Maybe you’re in that place right now.
Nalilito. Nasasaktan. Walang sagot.
So the question is:
How will you respond?
Paano mo ia-align ang puso mo
para maniwala na kumikilos ang Diyos—
kahit hindi mo pa nakikita?
Madaling sabihin na “God is working”
kapag maganda ang nangyayari.
Pero paano kung hindi pa?
Paano kung iba na sa inaasahan mo?
Paano kung may pinapabitawan na Siya?
How do you let your heart believe when it’s already hurting?