11/07/2026
Hello mga Thrifties! ☺️ Story time tayo...
Minsan nakakaranas tayo na hindi magaganda mga nakukuha nating bulto...
Minsan maganda at minsan naman pangit o halos patapon na pero yun nga nasa atin ang diskarte para hindi sayang ang pinuhunan natin..
Isang araw bumili kami ng bulto, ayan yung recent na post ko na paninda which is knitted tops, longsleeves at cardigans,. halos 50% talaga ng laman ay di sulit ung iba may butas ung iba nman makakati or dahil lang cguro sa tela na gamit sa damit pero yun nga nabili ko ito sa online live selling sa isang page dahil ukay is risky nga talaga...
Yung inexpect mo na kinuha mo sa live ay knitted tops na trendy na mga blouses, papolo at sando pero iba ang laman...
Bago namin buksan yung bulto(bale) Nagpray kami na sana swertihin sa bale na nakuha namin, ayun expect the unexpected talaga.. nakuha ko malalaki at mabibigat na sweaters knitted , cardigans, at longsleeve, ni isa wala ako nakuha na pirasong tops na sa live ang sabi meron at 40 kilos ito more or less 400pcs pero iba ang nangyare nsa around 100pcs lang.
Kaya lesson learn na sa amin na mas maganda pa din makakuha ng direct supplier personally instead sa live. At di na kmi uulit sa page na yun dahil ung shipping nila matagal, yung promise time nila di nasusunod at para ka bang na scam sa tagal mo magantay kung darating ba o hindi pero naibigay naman yung bulto, super late nga lang sa sinabi nilang shipping days.
So ayun nga kaya dinidiskartehan na lang namin para mabawi yung pinuhunan namin...
Magpapa promo kami na 10 pesos dun sa nga goods naman pero yun mga medyo makati yung tela nya kaya nman diskartehan nagsearch lang din ako paano gagawin.
Kaya ABANGAN ang pa promo natin.
10 PESOS ISA PAG BUMILI NG 3 AT NAG CHECK OUT MAY PA FREE 😊
ito link kung paano lalambot yung knitted clothes: https://youtu.be/alrOB0PzFO4?si=GFlSQPATzgd6CJ8R
Siguro sa ngayon ay wala pa sa amin ang bola pero nanalangin at naniniwala kami na darating din ang araw na kami naman... Na lahat ng sipag at tyaga ay masusuklian din...
🌸🌸🌸🌸
"Sa pag uukay di palagi panalo.. minsan talo..
Pero lagi magdasal, manalangin na isang araw uusbong din lahat ng pinaghirapan.. Maniwala lang sa Kanya🙏 at sabayan ng sipag at tyaga"
BY: M.R.Z ThriftiesN'Craft ☺️