03/01/2026
Payong kapatid, Paalala po ❤❤
"Madalas, makikita mo sa mga confession tungkol sa mga naka Magic B. Mga nag-aaral, mga BEM. Bilang danas ko na yan, ang tanging maipapayo ko lang ay huwag nating pakialaman ang mga nagaaral pa.
Isang matandang ministro ang nakapag sabi sakin na, "Kapag ang babae nakilala niya habang nagaaral pa siya, hindi ito ang para sa kaniya", naniniwala ako sakaniya. Hindi ka karapatdapat sa Kaniya, sa Iglesia, kung alam mo namang mali ay tinutuloy mo pa.
May mga pagkakataon na akala mo tama, akala mo okay lang dahil iniisip mo na sinasangayunan ka ng tadhanang pinaniniwalaan niyo, pero ang mali ay mananatiling mali. Iba mamalo ang Ama, iiyak ka nalang. Luluha ka. Hindi gusto ng Ama na nasasaktan tayo, pero dahil mahal Niya tayo ay tinuturuan Niya tayo, at ang dapat nating gawin ay sumunod. Kung para sakaniya ka, ibibigay siya sayo. Kung talagang kayo, magkikita kayo balang araw. Hindi ipinipilit ang isang bagay kung talagang para sayo. Kung gusto mo na maglaba ng barong balang araw, kung gusto mo na maitayo ang bahay mo malapit sa kapilya, ipagpanata mo. Hayaan mo ang Ama gumawa ng kapalaran niyo.
Ang mga nagaaral? Hindi na yan sa magulang nila. Hindi rin yan lalo sayo. Sa Ama na sila, mabigat ang tungkuling pasan nila, kaya hayaan mong paging dapatin niya pa lalo ang sarili niya. Naiisip mong mahirap dahil mahal mo, pero mas mahalin mo lalo ang Karapatan niya, pinagpagalan at pinaghirapan niya yun, maraming bagay na siyang naisakripisyo para sa Karapatan niya, kaya bilang babae kung siya man ang lumalapit, dapat alam natin ang gagawin, patunayan nating naaralan tayo, huwag mong hintayin na ikaw ang maging dahilan ng pagkawala sa kaniya ng Karapatan niya, maawa ka sa kaniya lalo na sa magulang niya. At sa mga babae diyan, na niloko, iniwanan, pinagpalit, patawarin na natin sila. Sadyang may mga bagay na hindi para sayo. Huwag kang umasa sa pangako ng nagaaral pa, dahil kahit sila hindi nila alam kung gaano pa karami ang makikilala nila.
Mag focus ka muna sa tungkulin at sa pamilya mo, ganon ang totoong pagmamahal.
Balang araw sana maalala niyo 'tong payo na 'to."
(credits to the owner po-Repost)