01/05/2026
Ngayong Araw ng Manggagawa, kinikilala ng Pag-IBIG Fund ang mahalagang ambag ng bawat manggagawang Pilipino sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa. 🇵ðŸ‡
Sa araw-araw ninyong pagsisikap, napapatatag ninyo ang kinabukasan ng inyong pamilya at ng ating bayan.
Bilang inyong katuwang, patuloy kaming nagbibigay ng maaasahang serbisyo mula sa abot-kayang pabahay hanggang sa pagpapalago ng inyong ipon, upang matiyak na ang bunga ng inyong paghihirap ay napupunta sa mas maayos na bukas.
Kasama ninyo ang inyong Lingkod Pag-IBIG sa bawat hakbang tungo sa seguridad, pag-asenso, at dignidad ng paggawa.
Mabuhay ang manggagawang Pilipino! 💙