13/08/2026
PADÁYON, mga kababayan! Kahit maulan, huwag susuko. Sa bawat bagyo, may araw ding sisikat. Patuloy tayong magtiwala, kumilos, at magpatuloy! 🌦️
Pa•dá•yon
Bahagi ng Pananalita:
Pandiwa
Kahulugan:
Pagpapatuloy, Magpatuloy; Huwag huminto o sumuko sa kabila ng hirap, pagsubok, at mga hamon ng buhay.
"Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.” Galacia 6:9
🌿 PADAYON—isang paalala na sa likod ng bawat pagsubok ay may pag-asang naghihintay kung pipiliin nating magpatuloy.
Hindi laging madali ang buhay. May mga araw na nauubusan tayo ng lakas at nais nang sumuko. Ngunit magpatuloy ka. May magandang Plano ang Diyos para sa iyong buhay, at sa bawat hakbang, gaano man kabigat, kasama mo Siya at hindi ka Niya iiwan.
📍 Sa Greater Heights, naniniwala kami na ang tunay na diwa ng “padayon” ay hindi nakasalalay sa sarili nating lakas, kundi sa matibay na pagtitiwala at biyayang nagmumula sa Panginoon. Huwag kang magsasawa sa paggawa ng mabuti, kapatid. May nakalaang gantimpala ang Diyos sa tamang panahon. Padayon! Maging bahagi ng aming misyon at komunidad. Tuklasin ang aming mga programa sa opisyal na website ng Greater Heights Christian Worship Center.
Sanggunian: KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino