28/10/2026
NEW POLICY • OLD AND NEW MINER 📣
NO DP ❌ NO ITEM ❌
Alam nyo po kung gaano ako hindi kahigpit about sa downpayment old and new miner sobrang minimal lang po ako magpadown (minsan nga wala pa) kahit ilang libo libo or daang libo pa po ang imine nyo hindi po ako sobrang strict basta alam ko naging goods namin na buyer lalo na po sa mga “OLD” miner.
Sobra yung tiwala ko at love ko sa inyo. Pero nakakalungkot kasi dumadami na po ng dumadami ang mga miner na hindi po kaya makapagsettle’ Hindi na kaya maging responsable sa mga items na namimine nila. (parang bula lang sa kanila ang pinagtrabahuhan namin) Sa totoo hindi lang kasi puhunan na pera ang nilalabas po namin dito bawat item mukang napakasimple lang ng ginagawa namin pero naglalaan din po kami ng oras,pagod, effort, puyat at gutom sa madaling salita pinagtratrabahuhan po namin lahat simula umpisa hanggang sa huli.
Nakakalungkot lang kung hindi po namin ito gagawan ng solusyon kami po ang kawawa sa huli, malulugi sa oras, pagod at trabaho. Hindi po biro ang ginagawa po namin sana maintindihan nyo po.
Madali lang para sa inyo magsabi ng “CANCEL ITEM or ISEENMODE KAMI or MAG ANTAY KAMI KUNG KAILAN KAYO BAYARAN” Bago pa man din nyo yan sabihin samin sana isipin nyo yung pag-asikaso namin sa items umpisa hanggang huli para lang kumita kami hindi para mapagod sa wala. May puhunan po kami dito na kailangan po namin paikutin may binubuhay po kaming negosyo.
Kaya po sa lahat ng gustong magmine simula po ngayon maghanda na lang po ng pang DP sa item. Maging responsable po tayong lahat at bigyan po natin ng respeto ang mga naghahanap buhay po ng patas. Mahirap na po ang buhay’ di na po para maging rason pa tayo para lalo mahirapan ang ating kapwa.
Maraming salamat po sa unawa. 🤍