05/01/2024
Since napaka-booming nang Ukay-ukay business today, I just want to remind you, mga baguhan at future buyers ng Ukay-Ukay Bundles na lahat ng iyan ay naka-"SEALED", hindi yan pinipili ng mga supplier/seller na nakatransact niyo. madami ako nakikitang post ng mga buyers na kesyo pangit ang nabuksan sisisihin si seller, gusto pa magparefund, eh kung sakto naman yung binigay, hindi pwede yun. Kaya before ka sumabak sa business na to, dapat matatag ang loob mo, ready ka sa kung ano ang bubungad sayo, kasi UKAY UKAY IS RISKY, hindi lahat maganda, kahit best code pa yan, pumapalya yan. Dapat din na madiskarte ka dito, kasi if ever hindi maganda nakuha mo, alam mo kung paano iimprovise at pagandahin, EFFORT kailangan dito. Hindi yung pagka.open mo palang, gusto mo ganito/ganyan na sila kaganda tignan.
Oo, halos lahat magaganda yung pinost namin na feedback kasi nilabhan, plinantsa at nirepair na yun ng mga previous buyers. Yung mga feedbacks lang ang mabibigay naming mga seller na katibayan na subok ang bale na aming binebenta. Pero hindi naman assurance na lahat sila perfect, may mga DISCLAIMER nga kami sa mga post namin para hindi kayo mag-expect ng mataas. So kung maganda yung nabuksan mu, congrats, maswerte ka today, di natin alam next time, kaya dapat lakasan ang loob at ipagpray mo yung bulto mo, kung hindi madala sa prayers, hasil hard and pag-effortan mo para gumanda sila. Dapat mindset mo, "maganda to. mabebenta ko to." 😌
CTTO.