22/05/2026
₱975 per online ad material? Sa maliit na negosyo, pang-isang buwan na budget na yan. May tax pa kahit maliit lang ang i-top up mo. Yung ₱100 to ₱200 na ad budget, puwede na sanang makatulong para makabawi o makasurvive ang mga negosyong pilit lumalaban nang patas sa gitna ng krisis at dami ng buwis.
Bakit parang lalo nyo pang pinapahirap ang maliliit na negosyo?
𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗣𝗘𝗥𝗠𝗜𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗔𝗗𝗦, 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚-𝗣𝗔𝗕𝗜𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗟𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢
Hindi pa nga nakakabangon ang ating maliliit na negosyo sa epekto ng krisis sa langis at mataas na gastusin, papatawan na naman sila ng panibagong pasanin — ang planong 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 (𝗗𝗔𝗢) 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 (𝗗𝗧𝗜) 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗸𝗱𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗱𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗽𝗲𝗿𝗺𝗶𝘁𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝗱𝘃𝗲𝗿𝘁𝗶𝘀𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗮𝘁 𝘀𝗮𝗹𝗲𝘀 𝗽𝗿𝗼𝗺𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗺𝗮𝗶𝗹𝗮𝘁𝗵𝗮𝗹𝗮. Dagdag-pahirap ito para sa MSMEs at online sellers.
Hindi makatarungang dagdagan pa ang ating maliliit na negosyo ng panibagong bayarin at matagal na proseso bago sila makapaglabas ng advertisements at promotions para sa kanilang negosyo. 𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗸𝗯𝗼 𝗻𝗴 𝗻𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼, 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗻𝗮 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗶𝗻𝘁𝗮𝘆𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗮𝗱𝘃𝗲𝗿𝘁𝗶𝘀𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼 𝗽𝗿𝗼𝗺𝗼. Ang P975 hanggang P9,295 na bayad kada advertisement ay dagdag pasanin sa MSMEs at online sellers.
𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗰𝗼𝗻𝘀𝘂𝗺𝗲𝗿 𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗮𝗸𝘁𝗶𝗸𝗮𝗹, 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘁𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗮𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗼. Imbis na dagdagan ang burukrasya, mas dapat tutukan ang mga mapanlinlang at pekeng advertisements habang tinutulungan ang mga lehitimong negosyo na makabangon, lumago, at makalikha ng trabaho para sa mga Pilipino.
‘Wag nang pahirapan ng dagdag na proseso ang mga kababayan nating nagnenegosyo at pilit na bumabangon at nagpapalago ng kanilang kabuhayan. 𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻, 𝗺𝗮𝘀 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗶𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗻𝗲𝗴𝗼𝘀𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗼𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱 — 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗱𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝘀𝗮𝗻𝗶𝗻. ❤️🔥🇵🇭
𝘝𝘐𝘚𝘐𝘛 𝘋𝘛𝘐’𝘴 𝘰𝘧𝘧𝘪𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘱𝘢𝘨𝘦 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘮𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘋𝘈𝘖:
https://www.facebook.com/DTI.Philippines/posts/1411198981052043