05/08/2023
HANDA NA ANG MGA BAGONG BAGANI!
Noong nagdaang araw, dinaluhan ko ang isang training na pinamagatang "IpanaLOKAL: CSO Training Series on People's Participation and Governance" na pinangunahan ng Model SK. Lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng bumubuo sa programang ito. Isang malaking karangalan po sa akin na mapabilang sa makabuluhang training na layuning hubugin ang mga kabataan na maging isang progresibing lider sa lipunan.
Ang IpanaLOKAL: CSO Training Series on People's Participation and Governance ay programa na inorganisa ng Center for Youth Advocacy and Networking, Model SK, at Institute of Politics and Governance. Kasama din ang Akbayan Youth at BulSUONE.