11/01/2020
Para sa kaalaman ng mga online client kung bakit hindi namin sinasabi agad ang presyo sa inyo sa comment box. π
PAKIBASA LANG PO π
"Kindly check you messenger/ pm sent KASI"
1. Para hindi po makita ng ibang seller ang presyo namin dahil my mga seller na mahilig manungkit ng clients! Yung tipong pag sinabi mong 100 e'ppm ka ng ibang seller at sasabihin 80 lng sa kanila. π€
2. At higit sa lahat pra naman sa ibang buyer na nakiki comment lang ng how much eh hindi naman bumibili ung tipong tanong ng tanong, ung tipong takaw tingin, yung babaratin ka ng sobra tapos sasagutin ka ng malaking THUMBS UP or sige sis pm nalng kita kapag oorder na ako. Tapos mag popost ka ulit mag tatanong nanaman ng hm at sasagutin ka ulit ng THUMBS UP. π
3. Ang totoong BUYER mag PPM hindi nag ko COMMENT. Sa totoong buhay may 100 na katao nag comment ng HM ni isa jan walang bibili π (naranasan ko na to) pero yung mga real buyers at ung mga interesado PM ka nila at hindi sila pala comment ng HOW MUCH o ng HM π Nakikipagtransact sila privately.
4. Kahit maglagay din kami ng price sa picture o bawat post namin, hindi ko ba maintindihan bakit lagi pa din sila nagtatanong ng HM? o How Much? Ang laki na nga ng presyo sa picture. Magcomment pa din sila ng HM.
Minsan tanong ko nga sa sarili ko kapag ba nag tanong kayo ng HM ano ibig sabihin nun? Bibili ba talaga kayo o tamang mema lang kayo?
Alam nyo po ba na ang mga ONLINE SELLERS ay halos hindi na natutulog at hindi na kumakain ng tama sa oras makapagsagot lang ng inquiries at how much ninyo? Kahit nasa CR yan nakaupo sa kubeta, cge pa din reply nyan. Kahit kumakain yan o nagluluto yan cge pa din reply nyan. Halos buong araw nauubos kakareply sa HM nyo. Yung madalas dis oras na ng gabi kung makapag hm grabeh tapos tatawagan ka pa sa Messenger kahit madaling araw tapos hindi naman pala bibili.
Tapos minsan akala mo bibili na dahil nagpadeliver na ng COD ayun pala walang pambayad kaya nagpa return to sender.
Please RESPECT online sellers.
Please RESPECT our TIME.
Please RESPECT our EFFORT...
Just a friendly reminder π€
Please SHARE para sa mga nakakarelate para mabawasan ang HM people sa mundo π
Salamat nga pala sa mga suki namin. Lablab Guys! π