04/04/2026
𝗛𝗘 𝗜𝗦 𝗥𝗜𝗦𝗘𝗡! 𝗧𝗛𝗘 𝗩𝗜𝗖𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗜𝗦 𝗪𝗢𝗡!
At sa ikatlong araw, Siya ay muling nabuhay. Ang pag-ibig ang nanaig at nagtagumpay. Dahil dito, tayo ay may buhay na walang hanggan. Isang biyayang hindi tayo karapat-dapat, ngunit dahil sa Kanyang dakilang habag, ito ay Kanyang malayang ipinagkaloob sa atin, sapagkat ang Kanyang pag-ibig at biyaya para sa iyo at sa akin ay wagas at hindi nagmamaliw
Kaya naman, kung ikaw ay naghahanap ng pag-asa, kapatawaran, at bagong simula, narito Siya at patuloy na nag-aanyaya. Sa Kanya ay may buhay, may pag-ibig, at may kaligtasang tunay at ganap.