15/04/2025
MGA POSIBLENG DAVAO ORIENTAL MAG NEGOSYO TA 'DAY BENEFICIARIES SUMAILALIM SA FINANCIAL LITERACY TRAINING
Isa sa mga pangunahing kinakailangan upang maging ganap na benepisyaryo ng programang Mag Negosyo Ta 'Day (MTD) ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay ang pagsailalim sa Financial Literacy Training (FLT) na isinasagawa ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon sa mga naunang benepisyaryo, napatunayan nilang mas nagkakaroon ng kumpyansa sa kanilang mga negosyo at mas napapamahalaan ng maayos ang kanilang mga itinayong negosyo o dagdag na puhunan kapag sila ay nakatanggap ng tamang kaalaman at pagsasanay.
Sa isinagawang FLT sa Davao Oriental, 24 na mga participants ang sumailalim sa training. Noong umaga ng Abril 13, 2025, 13 na kalahok ang dumaan sa training sa San Isidro Negosyo Center, Brgy. Bato-Bato, sa pamumuno ni Ms. Charlotte F. Gudes ng DTI San Isidro. Pagkahapon naman, 11 na participants ang nakibahagi sa training na ginanap sa Banaybanay Negosyo Center, Brgy. Poblacion, na pinangunahan ni Mr. Jan Rino M. Apares ng DTI Banaybanay.
Karamihan sa mga posibleng benepisyaryo ay may mga negosyo tulad ng sari-sari store, chicken raising, street food vending, piggery, carenderia, paggawa at pagbebenta ng balut, handicraft bag at mat weaving, pagtatanim ng saging, school supplies store, tailoring, at fishball vending.
Layunin ng MTD na maging self-reliant, may kumpyansa sa sarili at mahusay na mapapamahalaan ng mga posibleng benepisyaryo ang kanilang mga napiling negosyo.