Anne's Online Shopping

Anne's Online Shopping All Items are brand new and Pre-Love

19/08/2024

Hello

10/10/2022

MAHIRAP MAGING SOBRANG MATULUNGIN
by: Chinkee Tan

Naranasan mo na bang akuin ang problemang pinansyal ng iba? Hindi naman ikaw ang nangutang, nanghiram, o hinahabol, pero ikaw ang nag-aayos?

Sobrang stressed ka na ba dahil dito?
Ipinagmamalaki ko ang kulturang nakagisnan natin na may malasakit sa mga mahal sa buhay.

Pero meron din naman tayong tinatawag na SOBRANG MATULUNGIN na hindi nakakabuti, lalo na kung wala nang naiiwan sa pinaghirapan natin.

Paano mo malalaman na sumosobra na?
Nangungutang para may maipa-utang.

Binabayaran at inaako ang problema ng iba.
Nahihirapang tumanggi kahit walang-wala na.

Bigay nang bigay kahit sagad na.

Bakit nga ba may mga taong SOBRANG MATULUNGIN, to the point na nakakalimutan na nila ang kanilang mga sarili?

UTANG NA LOOB

Ito siguro ang pinakamahirap bayaran.
Ito ay isang klase ng utang na walang hangganan.

'Ni hindi mo malaman kung kailan ka makakabayad ng buo rito.

Ang tanong ko na lang sa mga taong may ganitong klase ng utang: kailan ito matatapos?

HINDI MAKA-HINDI

Ang alam mo lang sabihin ay oo. Hindi ka marunong tumanggi at humindi.

Yes ka na lang nang yes dahil natatakot ka na baka may masabi silang hindi maganda tungkol sa iyo.

At para wala silang masabi, kagat-labi ka na lang - kahit labag ito sa kalooban mo.

Tinitiis mo na lang ang kahirapan para lumigaya ang ibang tao.
GIVING "TOO MUCH"

Okay lang naman tumulong, basta huwag lang labis-labis. Look, I emphasized on the word "TOO". Why is that?

Minsan kasi, bigay tayo nang bigay kahit way beyond our capacity or what we can only afford na.

Akala kasi natin, 'yun lang ang paraan para makatulong tayo. But it’s not.

Remember the Chinese proverb that says, "give a man a fish and you feed him for a day; teach a man to fish and you feed him for a lifetime"?

Ibig sabihin, huwag natin silang hayaang sumahod lang sa biyaya. Instead, give them advice, teach, or educate them on how to succeed para ma-motivate din sila to do the same thing and produce their own bread and butter.

Kaya ang ending nito...

MAKAKALIMUTAN ANG SARILING PANGANGAILANGAN

Gustong mag-ipon, pero laging nagpapahiram sa iba ng pera.
Gustong mag-invest, pero kulang ang pondo dahil lumapit ang isang kaibigan.

Gustong magtayo ng business, pero naubos ang capital dahil pinambayad sa utang ng kapatid.

A lot of opportunities will be lost kapag patuloy tayong nag-all out sa pangangailangan ng iba. Set your priorities first and just offer what you can, nang hindi nasasakripisyo ang sarili.

"Hindi ba parang ang damot ko?"

Absolutely not. Lahat tayo ay binigyan ng pagkakataong makapagtrabaho at humanap ng diskarte. Allow them to learn on their own.

OTHERS BECOME DEPENDENT ON YOU

"Ma, wala nang pang-tuition ang anak ko."
"Sige, ako na ang bahala."
"Friend, may utang kasi ako sa credit card. Tulungan mo naman ako."

"Sige na nga. May extra pa naman ako dito."
"Baka meron kang kaunti diyan? Pambayad ko lang ng kuryente’t tubig?"

"Na naman? Ano ba 'yan. O, eto."
Kung mapapansin natin, mapagbigyan lang ng isang beses ang iba, pwede na silang maging abusive at lalapit nang lalapit sa iyo.

Ang nangyayari tuloy...
Wala nang naiipon. Nangungutang na tayo para may ipautang sa iba.

Tayo ang naghihirap habang ang iba ay maginhawa.

STRESSFUL LIFE

Hindi ka na makatulog ng mahimbing.
Alam mo kasi na wala ka nang matatanggap na sweldo dahil sa dami ng kaltas.

Hindi mo na rin alam kung paano haharapin ang mga taong pinagkakautangan mo.

Ang ending? You'll live a very unproductive and stressful life.

Again, hindi masamang tumulong at may ipahiram. Pero kung ikaw ang masasagad, matuto ka namang tumanggi!

(from: My Badyet Diary)
order this book and get a FREE PISO PLANNER! click this link: https://chinkshop.com/collections/promos-and-bundles/products/best-selling-book-bundle

10/10/2022

10 Financial Advice from Chinkee Tan

1. Huwag kang bumili nang mamahaling cellphone. Dahil laging may bagong lalabas na new model na mas higit pa sa nabili mo. 📱

2. Huwag kang mangungutang para lang may maipagyabang. Kung mangungutang ka man, gamitin mong puhunan sa negosyo para lumago 💼

3. Huwag kang masilaw sa mga naka-sale o free delivery. Kahit gaano pa kamura yan, sayang lang kung itatambak mo at hindi mo magagamit.

4. Huwag kang bumili ng bagay na hindi mo pa afford. Pag-ipunan mo ito hanggang sa kaya mo nang bayaran in cash. Sayang ang interes kung ipapangutang mo lang 👔

5. Ipunin mo ang pera kahit pabarya-barya. Kapag pinagsama-sama mo yan malaki ang maiipon mo kaysa wala. Tandaan na walang isang libo kung kulang ng piso. ⌚

6. Huwag kang mamasyal kung ipapangutang mo lang. Pag-ipunan mo muna ang travel fund. Mahirap mamasyal nang may inaalalang utang dahil hindi ka mag-eenjoy. 👙

7. Huwag ka munang bibili ng kotse kung hindi mo ito pagkakakitaan. Lalo na kung wala kang parking space. Tandaan na nagde-depreciate ang value nito pagtagal🚗

8. Huwag kang bibili nang bahay kung hindi mo pa afford bayaran. Dapat ay may budget ka pa rin sa mga appliances at iba pang expenses. Maraming bayarin bukod sa bahay 🏫

9. Needs = Mga bagay na kailangan mo para mabuhay nang maayos. Wants = Mga bagay na kahit wala ang mga ito ay mabubuhay ka naman. Kaya laging unahin ang needs over wants.

10. Tandaan na hindi masama kung ikaw ay maging Kuripot dahil ang pera mo ay hindi pinupulot 🗂️

GET YOUR FREE PISO PLANNER!: https://chinkshop.com/collections/promos-and-bundles/products/best-selling-book-bundle

Address

Tarlac
2304

Opening Hours

Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639208167097

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anne's Online Shopping posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share