26/05/2024
Maulang panahon ngayon ay nararanasan,
Tila umaayon sa lungkot na nararamdaman
Hindi mawari ang pinanggagalingan
Nais ko lamang masabi nang ito ay maibsan…
Minsa’y dumadating talaga ang ganitong pagkakataon
Ngunit di nangangahulugang sumusuko na sa hamon
Mapagod ma’y patuloy na babangon
Sa mga pagsubok,pinagtibay na ng panahon…
Sa mga panahong pakiramdam ko ako’y nag-iisa,
Sa Poong maykapal ay lubos na nagtiwala
Sa pangakong “Balang araw anak,iaahon kita,
Sa lahat ng hirap mo’y sasamahan kita”…
Huwag mong ikumpara ang buhay mo sa iba,
Basta’t nagsisikap ka,yun naman ang mahalaga..
Dina baleng mabagal ang iyong proseso,
Ang mahalaga’y wala kang inaapakang tao…
Huwag mong iisiping nag-iisa ka,
Dahil ang Panginoo’y patuloy na ginagabayan ka
Ibigay mo lamang ang lubos na pagtitiwala,
Natitiyak kong sa huli’y magtatagumpay ka…
Rainy afternoon everyone🥰🙏🙏