19/02/2026
Open letter to all my suki out there,
Most of the buyers lately laging sinasabi:
"Bakit ang mahal eh ukay lang naman yan!"
"Sa ukayan nga makakabili ka lang ng tig sampung piso."
—
Mga mi, eto ang reality ng mga online seller. From bibili ng isang bulto— mag sosort out ka ng 200+ pieces pipilin mo lahat ng bentables at lahat ng hindi pasok sa taste mo. Yung mga hindi po kasi pasok sa taste ko is pinang free ko or pamigay. Pero aminin nyo mga suki never ako nag free ng "basahan" talagang magagamit nyo pa yung free na binibigay ko. Then isosort out mo by color tapos lalabhan, syempre gagamit ng detergent and fabcon. Para safe nyo ng matatanggap at pwedeng pwede nyo na ipang awra. Pero syempre hindi pa natatapos sa paglalaba yan, syempre after maglaba paplantsahin pa yan. So gagamit ng kuryente, magkano na ba singil ng kuryente ngayon mga mi dba? After nyan kung for posting ka, mag po-photoshoot ka naman ng bongga para maganda sa paningin ng mga marites na walang bukambibig kundi "ukay ukay lang naman yan" at kung for live selling naman, gugugol ka ng ilang oras mag salita sa screen hanggang sa mapaos ka. Hindi padin natatapos dun, after makabenta aayusin pa lahat. Itutupi ng maayos, ilalagay sa magandang packaging, lalagyan ng magandang resibo at may pa thank you sticker eme pa.
Kaya mga mi, wag kayong magtaka kung yung iba medyo mataas ang presyo ng paninda nila. Kasi nagbubuhos kami ng matinding effort at oras para maayos sa paningin nyo at talagang maganda nyong makukuha. Kasi kung idadahilan nyong sana sa mall na lang kayo bumili bago pa, hindi po namin kayo pinilit. Kaya maraming salamat po sa patuloy na pumipili samin, sa patuloy na sumusuporta at nakaka aapreciate ng efforts namin. 🫡
Kaya sa kapwa kong seller na napanghihinaan ng loob dahil walang benta o matumal. Laban lang mga mi! Hanggat may isang naniniwala, mag patuloy ka. Kapag may tyaga, may ginhawa. Wag tayong mawalan ng pag asa.... LABAN LANG! 🤍
Yours truly,
Thrifty Trends By Jheng. 🩷