27/05/2025
Jollibee Toy Story
Habang naglalaro kami ng Jollibee cards, sabi ko,
“Oh ayan si Hetti! Tapos si Popo oh!”
Napatingin si husband sabay tanong:
“Bakit alam mo lahat ng pangalan nila?”
At boom—nag-flashback!
Naalala ko nung bata pa ako, meron akong complete set ng Jollibee character pillows. Yung mga cute na pillows na pag-zi-nipper mo, nagiging character plush toy!
Si Jollibee, Hetti, Popo, Twirlie, at Yum—kompleto ako! Binili lahat ni Mama para sa’kin.
Kayo ba, naabutan niyo yun?
Ngayon, full circle moment. Ako naman ang naglalaro kasama ng mga anak ko.
At itong simpleng Jollibee cards, hindi lang pala basta laro—bonding time na, at ang dami pa naming natututunan as a family.
Si Elj natututo ng:
• Joint Attention
Mahirap talagang makuha ang focus ng toddlers. 4 years old pa lang siya, kaya normal lang. Pero dahil sa game, natututo siyang magbigay ng attention sa isang bagay at maki-connect.
• Losing Gracefully
Hirap siyang matalo—nagagalit, nafi-frustrate. Pero tinuturuan namin siya how to manage his feelings. Yung marunong magsabi ng “Good game!” or “Let’s play again!” or “Wow, you win!”
Slowly, natututunan niya na okay lang matalo.
• Turn Taking
Isa pa to! Ang hirap sa toddlers ang sharing. Pero dito, natututo siyang maghintay ng turn, magbigay, at makinig. Basic social skills na super important.
Pero higit sa lahat, we’re teaching him na ang paglalaro ay para mag-enjoy.
Sidenote lang:
Since we are OFW based here inThailand… at wala pong Jollibee dito. Kaya tuwing naglalaro kami nito—grabe talaga ang craving ko sa Chickenjoy at Yumburger!
Ayayayyy gutom is real!
Beke nemen, Jollibee?