17/02/2026
Handa ka na bang harapin ang realidad ng mundong pinaghaharian ng kasakiman?—ang sakit, paghihirap, kawalan ng katarungan, at galit na matagal nang ikinubli❓️🔎
Isang maikling pelikula ang aming inihahandog na magbubukas ng kamalayan at mag-iiwan ng mahahalagang aral sa ating mga puso’t isipan. Hango sa nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal, ang El Filibusterismo ay salamin ng lipunang patuloy na humihingi ng pagbabago📜✒️
“Ang pelikulang ito ay hindi lamang isang palabas, kundi upang gisingin ang bawat kabataan—na ang pananahimik ay may kapalit, at ang kamalayan ay simula ng pagbabago.” ✨️
Inaanyayahan po namin kayong tunghayan ang maikling pelikulang inihahandog ng Grade 10 – Isidro, isang pagsasabuhay ng kasaysayan, damdamin, at katotohanan na patuloy na umiiral hanggang sa kasalukuyan.
📜
🎨
Words by:
Chelou Mae Tangub
Graphics by :
Abdul Aziz D. Batabor
Bodi Marjun Gamayon