11/04/2026
BARBARIC TRADITION ay isa sa pinaka-challenging na tanggalin sa hanay ng uniformed service.
Pinapasikat ng mga alumni sa kwentuhan. May hamon pa sa cadet corps tuwing bibisita:
"Ganyan na ba standard ngayon?"
Ano ba kasi ang nakagawiang "standard" ng "snappy" at "disciplined" na kadete?
Base sa aming personal experiences, ito ang sabi-sabi:
Dumaan sa fourthclass system o "dumbguard system". Pag plebo (most junior), ginagawang "dumb" o mukhang tanga-tanga ang hitsura at actuations. Laging naka head up, bridging, trotting. Sa mess hall, ginagawang robot. Ginagawang laruan. Di pinapakaing mabuti o kaya sobrang painumin o pakainin ng puro kanin hanggang magsuka. Sadyain na gutumin kasi "Mess Hell" daw na disiplina.
Pag may "kasalanan" ay normal ang mase-mase o excessive exercises na justified as "pampalakas" daw. Ginutom na, sobra pa sa ehersisyo na puro squat jump o squat thrust. Ewan, paano naging physical development yon. Graduate ata sila ng sports science o physical education. Tsaka, pag bumibigay ang kadete sa excessive physical exercises, binubogbog at pinapahirapan na sa mga imbentong hazing paraphernalia!
REFLECTION
Bilang dating hazing victim at hazer, na-realize ko sa actual service sa AFP na hindi applicable ang puro pananakit, pananakot at pamamahiya sa pagdala ng tao. Kung bilangin ang Officers at NCOs na binaril o kinudeta ng sariling mga tauhan, aba napakahaba na ng listahan!
Eh, kung araling mabuti ano ang Leadership, ito ay influencing. Hindi puro ranggo ang gagamitin para makapasunod ng mga tao. Instead, dapat may kredibilidad. Dapat maniwala ang tao. Dapat nirerespeto, hindi kinakatakutan. Dapat gugustuhin ng mga tao na magtrabaho kasi kinikilala ang kanilang kontribusyon. In short, di pwedeng panay "command and control" kundi "mission command" na ang requirement ay nag-iisip na mga sundalo at hindi puro "Yes sir!".
Remember, sa cadetship ito sinisimulan!
KAYANG BAGUHIN?
Para sa akin, kaya! Paramihin ang change champions. Ipakita ang value ng transformation. Ipaliwanag ang tunay na leadership development. I-sulat ang bagong doktrina. Panagutin ang mga insisting sa barbaric tradition. Singilin ang mga jurassic-minded na mag introduce ng bagong mapang abusong kalakaran. Paganahin ang 360-degree feedback system.
Mahirap gawin pero kaya kung gugustuhin
CTTO