02/12/2023
Face-to-Face Career Service Examination Review 2024 | Sangguniang Kabataan ng Barangay Baley-adaan
Sa: Katipunan ng Kabataan ng Barangay Baley-adaan at iba pang mga interesadong Residente
Nais ipaalam ng mga Opisyales ng Sangguniang Kabataan ng Baley-adaan na magkakaroon ng Face-to-Face Career Service Examination Review 2024 sa Covered Court, Barangay Hall Lucap sa December 8-9 at 13, 2023.
Ano nga ba ang Career Service Examination or kilala bilang Civil Service Examination?
Ang Civil Service Commission (CSC) ang nangangasiwa sa Civil Service Examination upang matukoy kung sino ang karapat-dapat na magtrabaho sa gobyerno. Ito ay may dalawang antas: Sub-Profesional (Unang Antas) at Professional (Ikalawang Antas). Ito ay pinangangasiwaan ng ilang beses sa isang taon at maaaring kunin sa pamamagitan ng papel at lapis (CSC-PPT).
Ang mga sumusunod ay mga petsa ng aplikasyon at eksaminasyon sa CSE-PPT taong 2024:
Unang Grupo:
Petsa ng Aplikasyon: November 20, 2023 - January 3, 2024
Petsa ng Eksaminasyon: March 03, 2024
Ikalawang Grupo:
Petsa ng Aplikasyon: May 13, 2024 – June 13, 2024
Petsa ng Eksaminasyon: August 11, 2024
Sa kabilang banda, ang layunin ng nasabing programa ay upang ihanda at matulungan ang bawat “Examinee” na maipasa ang CSE sa taong 2024.
Hinihikayat ang lahat ng mga residente ng Barangay Lucap at Barangay Baley-adaan na, nasa edad 18 at pataas na nagbabalak na maging CIVIL SERVANT, maaari lamang po na kayo ay magpa-rehistro sa pamamagitan ng pagsagot sa Google Form na inihanda ng mga komite ng nasabing programa.
Ang inyong mga personal na detalye ay mananatiling kumpidensyal.
Maraming Salamat!
BUKSAN | Online Registration Link:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScF4UkIxUC6m8La5qDCDyXRQVGaD2hslUsI4XSiHPMVTMc2YA/viewform?usp=pp_url
Deadline of Registration: December 04, 2023