25/03/2022
‼️BOGUS BUYER‼️
I just want to rant lang po. ☹️ We are just starting our small business and it's really demotivating na may mga ganito pala talagang tao. Sa totoo lang, gusto ko pong ipost si bogus buyer dahil nakikipag unahan pa po kayo mag-mine sa live, at pina flex niyo pa ng paulit-ulit ang ibang item. Pero dahil hindi po kaya ng conscience kong ipost kayo hindi ko na lang gagawin! I know mas malaki ang ibabalik ng Panginoon sa amin dahil hindi kami kagaya niyong manloloko ng kapwa. Ang dami niyo pang excuses sa meet up or delivery, sana po sinabi niyo na lang na hindi niyo kukunin. Nag-load pa po ako just to reach you sa cellphone number niyo pero ni-block niyo pa ako. Hindi po biro ang mag live ng 2-3 hours lalo po sa akin na hindi sanay magsalita at makipag usap, kung hindi pa ako sasamahan sa live ay hindi ko kayang mag-isa. My point lang po is sana huwag po tayong magsayang ng oras ng iba,huwag na mag-mine kung hindi naman kukunin, sana kung iisipin niyong ibogus ang mga seller, isipin niyo rin ang pagod at effort nila. Oo, pwede pa po yan i-offer sa iba pero yung frustration para sa amin hindi niyo po siguro naiintindihan.
Sa lahat po ng bogus buyers, joy miners, tigilan niyo na po yan. Sana maappreciate niyo naman po ang effort ng mga seller, sa packing, sa pakikipag usap, sa pag reach out sa inyo. Ang hirap maging nice kung aabusuhin ka lang ng ibang tao. Ako po hindi lang ito ang aming source of living or kinabubuhay namin, nahilig lang po ako sa business at bumitaw bilang employee mula nang makita kong may maganda po itong effect sa lifestyle ko/namin, pero paano na po yung ibang tao na sa online selling or sa ukay lang kumikita para sa pamilya nila? Maliit na kita, lolokohin niyo pa? Sana makonsensya po kayo. Tigilan niyo na po yan. Nakatingin ang Panginoon sa atin. Alam po niya ang paghihirap at kabutihan ng isang tao. Sabi nga po, Conscience is the voice of God in our soul. Sana po mahimbing ang tulog niyo. Will pray for you!
Yun lamang po. Salamat.