10/05/2026
"ANG TRISKELION AY PARA SA TRISKELION"
Kahapon po ay nag post ako ng katagang “Ang Triskelion ay para sa Triskelion” at umani naman ito ng sari saring komento at kahulugan na ibinigay ng ating mga kapatid na readers ng Fraternalism.
Masaya naman yung mga komento na natanggap natin, nandyan yung ang Phi daw ay para sa Sigma, ang Triskelion ay para sa lahat, etc. Ngunit ang nakakalungkot ay dalawa lang yata ang nakapagbigay ng TUNAY na kahulugan ng Ang Triskelion ay para sa Triskelion.
My fellow Triskelions, ang kahulugan ng nasabing kataga ay Tenet 8: A Triskelion is a brother unto fellow Triskelion. Yung pagmamahalan, suporta, at kalinga sa kapwa Triskelion UNA SA LAHAT (or bago ang ibang tao). Ang pinakaimportanteng doktrina because this is the one that defines BROTHERHOOD. The very essence of being a fraternity. Ano po ba ang akala ninyo pinasok nyo? Isang simpleng organisasyon?
Dahil siguro nga po nakalimutan na natin ang kahulugan nito kaya siguro napakadali para sa atin ang kutyain, murahin at awayin ang ating kapwa Triskelion. Dahil hindi natin alam kung ano ang Tenet 8. Worst, hindi rin natin alam na if you violate Tenet 8 it is considered a GROSS VIOLATION, at ito ay KASALANAN WALANG KAPATAWARAN dahil brotherhood nga po tayo. Dahil mabigat na paglabag ito sa ating doktrina, ang parusa po dito ay EXPULSION.
Dahil nga siguro na focus ang ating Kapatiran sa community service, naging mas importante sa atin ang IBANG TAO kaysa sa sarili nating kapatid na Triskelion. Naging mas importante pa sa atin ang magsilbi at magyabang sa labas ng Kapatiran through community service kaysa tingnan natin at arugain ang ating mga sariling kapatid na naghihikahos at salat na salat sa buhay. San ka naman nakakita na matapos mag feeding program sa labas ay mumurahin ng asawa pag uwi dahil wala sila makain? Ganito ba ang pinasok ninyo Kapatiran? Kaya pala malayo ang loob natin sa isat isa dahil mas importante pa sa inyo ang ibang tao kaysa sa mga kapwa natin Triskelion.
KAYA PALA MAGULO TAYO NGAYON SA LOOB NG KAPATIRAN. NAKAKALUNGKOT!
©️Redit to Bro. Ricky R. Flores, MDG
LETRAN CALAMBA CHAPTER ‘84
Speaker and Resource Person, FRATERNALISM