Shane On Me

Shane On Me We sell Trendy and Classy Products.

04/02/2022

Madali mangutang ng pera,
–kung may malalapitan.
Minsan pa nga'y nakakalimutan nalang ito.
Pero ang mangutang ng loob kahit hindi mo kagustuhan, mahirap yun mabayaran.
Lalo na't pusong mamon ka.
Pero oks lang yan!
Tayo tayo lang din ang mag aakayan.
Sa ngayon, palakasin ang kabuohang kalusugan, dedikasyon at pananaw sa buhay.
Mababasag mo rin ito at hindi na maipapasa sa magagawa mong henerasiyon.

09/12/2021

Kasabay ng pagyakap ni Haring Liwanag
kay Dakilang Kadiliman
ay naroon ka
–sa mismong harap ng aking mga mata.
Mata sa mata.
At ipinahiwatig sa'kin ng iyong titig na;
"Ayaw ko nang umuwi,
nakauwi na ako.
Dito nalang tayo,
habang buhay
–mata sa mata.

Kumagat ang dilim, Maghahanda. Walang pag hiKab at unat.Maswerte na kung pagOd ay naihiga.MakikipagpatinteRo, Sa pagsaka...
17/02/2021

Kumagat ang dilim,
Maghahanda.
Walang pag hiKab at unat.
Maswerte na kung pagOd ay naihiga.

MakikipagpatinteRo,
Sa pagsakay ay kukurot ng idliP.
Titingin paloOb.
Magnanakaw ng saglit.

Dambuhalang nakatindig,
Mga tumutuloy ay nakapikit.
Alang alang sa salapi.
Sa'yo ay muling magpapatali.

- (Korpo)rasyon.

KWARTO Ni MozartI.Humiga at kinalabit ng pagtataka. Nagningning ang bumbilya –sa aking ulo’y may sumabit na hiraya. Mga ...
30/03/2020

KWARTO

Ni Mozart

I.
Humiga at kinalabit ng pagtataka.
Nagningning ang bumbilya –sa aking ulo’y may sumabit na hiraya.
Mga daga’y nagsitakbuhan.
Sa dibdib ay may dagitab na nanahan.
Pumikit at tumingin paloob.
Ngunit bakit iba na ang kutob?
Bakit Ika’y nahahagip?
Wag mo namang hawiin ang mga agiw
–sa bawat gilid nitong silid
At bugawin ang mga paniki’t buwitreng nakapugad dito.
Sino kaba para bigyang kulay ang kwarto na ito?

II.
Nagising at nag unat.
‘Di mo na binigyan ng permiso para humikab.
Bakit nakasisilaw?
Ano yang mga nagsisiliparan?
Pumasok sa bintana ng kaluluwa,
pababa sa loob ng tiyan.
Ano to? ‘di ko masikmura!
Nakakakiliti
Napakalikot nila!

III.
Sa wakas!
Tumigil na rin sila.
Nakakainis, ang ligalig nila.
Ngunit bakit ganon?
Kasabay ng pagkawala nila
–ay siya ring pagyakap sakin ng saya.
Nasaan na ang mga maiitim na dingding?
Mapuputing kurtina?
Teka?
Nasan kana?

IV.
Nagpalingalinga at naglakbay ang mga mata,
Napakaganda!
Napalitan ng hardin ang ding ding at sahig.
Bakit p**a ang mga rosas dito?
Bughaw ang kisame at berde ang sahig.
Tumakbo papalayo.
Kailanma’y ‘di pa ako nakakita ng ganito!
Ngunit ako’y natisod
–ng pagmamahal mo.

V.
Ika’y lumuhod para iangat ako.
Ngumisi ka’t binangon ako
–sa matagal ng pagkakahimlay
Ng puso na minsang ding
Nag umapaw sa pagmamahal.
At kasabay ng pagbangon
Ay siya ring pagkahulog sa iyo.
Sino kaba para bigyang kulay
Ang kwarto na ito?

Credits to the rightful owner of this photo.

04/01/2020

An Open Letter (Opt to Pess)

You tend to see things differently when you are sad.

Let me give you a statement for an example.
Example:
"NOBODY LIKE YOU!"
Question: What that statement means to you?
If you take that statement as "No one else will ever like you" –Probably, you're encountering negativity right now.
The bottom line of that statement is, even if the construction of the sentence has a grammatically error –you will take the said statement as "YOU ARE UNIQUE."
why?
Read again the said statement carefully. But this time, with POSITIVITY.

.

Address

San Lorenzo Ruiz, San Roque
Antipolo
1870

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Shane On Me posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share