Lwcc Solid Mens

Lwcc Solid Mens Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Lwcc Solid Mens, Clothing (Brand), Antipolo.

Hindi ka namin ini-invite para lang magsimba…  ini-invite ka namin para makilala mo si Jesus ng personal.  Bilang mga ta...
09/05/2026

Hindi ka namin ini-invite para lang magsimba…
ini-invite ka namin para makilala mo si Jesus ng personal.

Bilang mga tatay, alam namin kung gaano kabigat ang responsibilidad.
Pero hindi mo kailangang harapin ang lahat mag-isa.
May Diyos na handang gumabay, magpalakas, at magbigay ng direksyon sa pamilya mo.

Juan 14:6
Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.

Halika, kapatid.
Hindi ka nag-iisa. 🤝

✨ Kapag puno ng takot ang isip mo, bumalik ka sa Salita ng Diyos.Hindi lahat ng bagay maiintindihan natin agad… pero lah...
06/05/2026

✨ Kapag puno ng takot ang isip mo, bumalik ka sa Salita ng Diyos.
Hindi lahat ng bagay maiintindihan natin agad… pero lahat ng bagay ay hawak Niya. 🙏

Minsan gusto nating kontrolin ang lahat — negosyo, pamilya, future, at mga plano natin sa buhay.
Pero habang mas pinipilit nating umasa sa sariling lakas, mas napapagod tayo.

📖 “Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding.”
— Proverbs 3:5-6

Ang tunay na kapayapaan ay hindi nanggagaling sa pera, posisyon, o kasiguraduhan…
Nanggagaling ito sa pagtitiwala sa Diyos kahit hindi malinaw ang daan. ✨

✅ Kapag si Lord ang nauuna:
• May direction kahit magulo ang buhay
• May peace kahit maraming problema
• May pag-asa kahit parang impossible

Hindi man mabilis ang proseso, siguradong hindi ka pababayaan ng Diyos. 🤍

🔥 Faith over fear.
🔥 Trust over worry.
🔥 God over everything.

Kung naniniwala kang may magandang plano si Lord para sa buhay mo, comment ka ng:
🙏 “I TRUST YOU LORD” 🙏

Hindi sapat na mahal lang natin ang pamilya…  kailangan din natin silang pangunahan papunta sa Diyos.  Bilang ama, hindi...
05/05/2026

Hindi sapat na mahal lang natin ang pamilya…
kailangan din natin silang pangunahan papunta sa Diyos.

Bilang ama, hindi lang tayo provider—
tayo ang gabay, tayo ang unang nagtuturo ng pananampalataya.
At kapag si Lord ang sentro ng tahanan,
kahit anong bagyo, hindi kayang sirain ang pamilya.

“Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami maglilingkod.”

— Joshua 24:15

Pamilyang may Diyos sa Tahanan
matibay, buo, at may direksyon. 🙏

Minsan ang tukso mabilis… pero ang epekto, habang buhay.Piliin mong lumaban ngayon  na kasam ang Panginoon para hindi ma...
05/05/2026

Minsan ang tukso mabilis… pero ang epekto, habang buhay.

Piliin mong lumaban ngayon na kasam ang Panginoon para hindi masira ang pamilyang pinagkatiwala sa’yo ng Diyos.

Hindi ka nag-iisa. May lakas kang hawak at yung ang gamitin mo.

1 Mga Taga-Corinto 10:13
Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.

Hindi mo kailangang maging perpektong ama…kailangan mo lang maging present sa panalangin. 🙏Ang tatay na lumuluhod sa Diy...
04/05/2026

Hindi mo kailangang maging perpektong ama…
kailangan mo lang maging present sa panalangin. 🙏

Ang tatay na lumuluhod sa Diyos,
nagpapalakas ng pundasyon ng kanyang pamilya. ❤️

“As for me and my house, we will serve the Lord.” — Joshua 24:15

🔥 Akala mo ba kailangan mong makita muna bago ka maniwala?Pero paano kung ang tunay na lakas… ay nasa pagtitiwala kahit ...
04/05/2026

🔥 Akala mo ba kailangan mong makita muna bago ka maniwala?

Pero paano kung ang tunay na lakas… ay nasa pagtitiwala kahit hindi mo pa nakikita ang buong plano?

💭 May mga panahong:
Hindi malinaw ang direksyon.
Hindi sigurado ang susunod na hakbang.
At parang tahimik ang Diyos…

Pero tandaan mo ito:
👉 Hindi mo kailangang makita ang lahat… para makasunod ka.
👉 Kailangan mo lang magtiwala sa Kanya na nakakakita ng dulo.

📖 “For we walk by faith, not by sight.” —
2 Corinthians 5:7

🙏 Kung may pinagdadaanan ka ngayon:
Magpatuloy ka.
Maniwala ka.
At huwag kang bibitaw.

💛 Dahil kahit hindi mo nakikita… kumikilos ang Diyos para sa’yo.

“Akala ninyo kayo lang ang nasasaktan…”Sa bawat sigawan, may tahanang unti-unting nawawasak.  Hindi lang kayo ang apekta...
28/04/2026

“Akala ninyo kayo lang ang nasasaktan…”

Sa bawat sigawan, may tahanang unti-unting nawawasak.
Hindi lang kayo ang apektado, pati buong pamilya.

👉 Piliin mong magpatahimik… hindi magpasigaw.
👉 Piliin mong mag-ayos… hindi magpalayo.
👉 Piliin mong magpakumbaba at magpatawad.

Kasi walang buo na pamilya kung walang asawang marunong magpatawad at magpakumbaba.

📖 Mga Taga-Efeso 4:31
“Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, p**t at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa.
Mga Taga-Efeso 4:32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

💬 Ikaw, handa ka bang piliin ang kapayapaan ngayon sa iyong Pamilya?

Hindi man naging perfect ang araw mo,binigyan ka pa rin ng lakas sa MaghaponHuminga ka… at magpasalamat dahil kasama mo ...
26/04/2026

Hindi man naging perfect ang araw mo,
binigyan ka pa rin ng lakas sa Maghapon

Huminga ka… at magpasalamat dahil kasama mo Pa ang Pamilya mo🙏

1 Mga Taga-Tesalonica 5:18
at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

💬 Ikaw, ano ang ipinagpapasalamat mo ngayon?

Anong Salita ng Diyos ang tumatak sa’yo ngayong Sunday? Comment mo 👇
26/04/2026

Anong Salita ng Diyos ang tumatak sa’yo ngayong Sunday?
Comment mo 👇

“MAY TIME KA SA TRABAHO… PERO SA DIYOS?”Busy ka. Deadline. Report. Kita.  Pero habang abala ka sa trabaho…  may mga baga...
25/04/2026

“MAY TIME KA SA TRABAHO… PERO SA DIYOS?”

Busy ka. Deadline. Report. Kita.
Pero habang abala ka sa trabaho…
may mga bagay na tahimik mong napapabayaan.

Linggo na… pero nasa harap ka pa rin ng laptop.
Habang ikaw nagtatrabaho,
ang pamilya mo papunta na sa church—wala ka.
May pera nga… pero kapalit nito ang oras sa Diyos at pamilya.

Hindi masama ang magtrabaho.
Pero kapag ang trabaho na ang pumalit sa Diyos sa puso mo
doon nagkakaproblema.
Kasi kahit gaano kalaki ang kinikita mo…
kung wala kang kapayapaan, kulang pa rin.

Ibalik mo sa tamang lugar ang Diyos.
Unahin mo Siya, at Siya ang bahala sa’yo.
Hindi mo kailangang iwan ang trabaho—
kailangan mo lang ayusin ang priority mo.

Ngayon Linggo…
maglaan ka ng oras para sa Diyos.
Sumama sa pamilya. Makinig sa Salita Niya.
Baka ang hinahanap mong sagot… nasa presensya Niya na pala.

📖 Mateo 6:33
“Ngunit hanapin muna ninyo ang kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.”

🙏 Hindi ka huli.
Pwede ka pang bumalik.

Address

Antipolo
1870

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lwcc Solid Mens posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share