08/01/2025
Ngayon lang kami ulit nagcheck isa isa lahat ng naka display sa shop,at ganyan karami ang na damaged. Kung sino man kayong mga demonyo kayo ang nanira ng mga paninda namin, makakarma din kayo. Hindi ang katulad niyo ang magpapabagsak sa negosyo naming morethan 3 years naming pinaghirapan. Hindi porket hindi nasunod ang gusto niyo eh manira na kayo, may araw din kayo, mahuhuli din namin kayo😡😡😡.
Noong full time online seller ako excited ako at pinangarap kong magkaron ng physical shop, sa pag aakalang mas maganda,pero nagkamali ako ng akala. Yung sales namin sa online selling dati for 2 days, sales namin ng 2 weeks sa physical shop,imagine ang layo ng difference. Tapos ang kinagandahan sa online selling, malinis at mabango yung items na makakarating sa buyer, unlike sa physical shop bukod sa dami ng buraot kahit ang mura ng paninda namin, nadudumihan pa mga damit dahil walang p**ialam yung ibang customer yung iba nga tinatapakan pa nila. Mas maganda parin ang online selling walang binabayarang tax, commercial space, bills, bookeeper samantalang sa physical shop ang mahal ng rent ng commercial space, magbabayad ka pa ng tax, bookeeper at bills na ang mahal dahil naka aircon ang shop tapos buburaotin lang ng ibang buraot na customer. At ang masaklap nasisira pa mga paninda namin dahil sa mga pasaway at buraot na mga customer. Kung tutuusin napaka mura na nga ng paninda namin, nalabhan na at na sanitized pa,tapos tawad parin ng tawad tapos pag di nasunod gusto nila magagalit at naninira ng paninda namin.
Kung sino2x man kayo na nanira ng mga paninda namin, makakarma din kayo kasama lahat ng buong pamilya niyo. At gaya ng kasabihan hindi mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan paka tatandaan niyo yan, maaaring swenerte lang kayo dahil hindi namin kayo nahuli dati, pero sa susunod sisiguraduhin namin na mananagot kayo.😡😡😡😡😡😡