17/09/2024
"NARARAMDAMAN NG MGA TAONG PATAY"
Pag ang isang tao namatay na,
ang akala lang nila sa sarili nila
ay nananaginip habang tinitingnan nalamang nila ang kanilang sarili na nakahimlay
😭Pag umiiyak ang mga kamag anak niya,
Pag nililiguan na siya,
Pag inihatid na siya sa kanyang KUBOR (libingan)
at tatabunan na siya ng lupa
ang kaluluwa nya ay babalik
At sa oras na yaon ay magigising na siya sa katotohanan na hindi isang panaginip ang lahat,
Dahil sa madilim,
Hahanapin na ang NANAY nya,
Ang TATAY nya, ang ANAK nya,
ang ASAWA nya😭
Mararamdaman na nya na wala na siyang damit maliban sa UNONG
(puting tela) ,
mahahawakan at maamoy na nya ang amoy ng LUPA at doon masasabi na nya
" (PAtAY NA PALA AKO)
Sisigaw siya ng napakalakas dahil sa takot (Kung hindi siya gumawa ng mabuti wa AUDOBILLAAH) makakasigaw siya ng ;
INA KO!
AMA KO!
ASAWA KO!
KAPATID KO!
MGA ANAK KO.,
Ngunit wala ni isang tao na makakarinig sa kanya😭
At ang sasabihin ng taong yaon
"YA ALLAH! patawarin mo po ako!)
Ngunit! Wala na
ang mga salitang yaon
ay wala ng HALAGA sa kanya
mararamdaman ang labis na PAGSISISI Astaghfirullahi lazeem!! .
Dahil wala ng hihigit pa sa lungkot ng isang tao pag siya ay nasa KUBOR(libingan) na siya
wa astaghfirullaah3x*
Kung kayat wag mo ihalintulad ang mga problema natin sa dunya.
Mga alipin Ng Allaah
Araw araw,
Pag sikat ng araw at sa pag lubog nito,
ay NABABAWASAN din ang buhay natin,
sa twing hihinga tayo ay nalalapit na naman tayo sa ating kamatayan ,
Sa twing tayo ay lalakad ay nagiging malapit tayo sa ating libingan subhanAllah!!!
Ang sabi ng Allaah subhanAllahu wa ta'alla "KULLUN-NAFSIN DHAIKATUL MAWT"
"LAHAT NG MAY BUHAY AY DADAAN NG KAMATAYAN."
Magpasalamat tayo sa Allaah swt
Dahil may natitira pa tayong buhay sa mundo, makakahinge pa Ng tawad masasamba pa natin Siya
makakagawa pa tayo ng kabutihan para may bbaaunin tayo sa ating libingan
Nabanggit sa isang Hadith
"AL MAWTU BAGHTATAN, WAL QABRU SUNDUQUL 'AMAL"
Hilingiin natin na sana itong sinasabi
at makakatulong sa atin... Allahumma ameen
Not too late to change.
Huwag natin hintayin na tuluyan nang tumigas ang ating mga puso
na kung saan hindi na natin alam
kung anu ang tama sa mali.
"YA MUQALLIBAL QULŪB, THABBIT QALBĪ 'ALA DĪNIK"
Kung nakaka takot maFAILED sa EXAM
mas NAKAKATAKOT MAFAILED sa kabilang buhay.
Dahil doon wala nang words na,
Remember!
"DEATH IS OUR FINAL DESTINATION"