03/05/2024
Hello hello!
Sorry na ang tagal kong nawala busy lang po sa motherhood era ko promise babalik ako 🙂
So eto na nga! Naubusan na ako ng stocks at hindi pa ako nakakapag release ng new designs.
Size 7 or 8 ako kaya naman laging sold out ung sizes ko. Eto na ngaaaaaa huling tsinelas ko na to. Bumili ako sa tiktok shop nung waterproof eme na tsinelas dahil lagi kaming nagpupunta sa dagat/swimming pool nitong nakaraan dahil anlala ng inet 😎
So eto na ngaaaa naglalakad kami sa may Sabang Beach yun ung gamit ko na tsinelas kase nga waterproof eme, nagtantrums ung panganay ko at ayun na nga nag decide kami umuwi nalang, kaso habang buhat ko ung bunso ko may kumalas!
Kumalas ung strap ng waterproof eme na tsinelas. Kaya ang ending nakatapak akong naglalakad pabalik sa sasakyan dahil waley na sira na ang waterproof eme di man lang tumagal ng 1 month 😂😂😂
Waterproof nga pero mahirap pagkatiwalaan kase bigla nalang kumakalas 🥺
At etoooo nga ako ngaun, suot ko nanaman ung pagod na pagod kong just.Gph na tsinelas. Adie ung pangalan nito eh… subok na subok. Hindi yan waterproof ah pero di ka nyan kakalasan, ikaw na nga lang ung mananawa. Pinagpahinga ko lang pala sya kaya ngaung madami akong errands sya nnmn ang karamay ko ❤️❤️❤️
Ikaw? Anung kwentong tsinelas mo?
Kwento mo na tapos tag mo ko para mapalitan natin ung pagod na pagod mo ng tsinelas 😂
Love,
Just.G