DUT.

DUT. "They not like us"
NATIONWIDE 🌐 SHIPPING
https://linktr.ee/dourthingofficial

08/06/2026

Kwento ko lang, tol…

Dati nung nagsisimula pa lang ako, naiinggit ako sa success ng iba at umabot pa sa punto na na-insecure ako sa sarili kong craft.

Pero habang tumatagal, may mga achievement din palang darating sayo.

Doon ko na-realize na hindi ka dapat nakatingin sa plato ng iba. Kasi habang binibilang mo yung meron sila, nakakalimutan mong may laman din pala yung sayo.

Kanya-kanya tayo ng oras at diskarte sa buhay bro. Ang mahalaga, tinutuloy mo.

Enjoying molang yung process bro.

Aight?

Whattagooday!

07/06/2026

“Kwento ko lang tol…

Ngayong araw na ’to hindi ako nakapagbukas ng shop. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro binigyan lang ako ng oras ng paginoon para magpahinga muna. Mahaba rin tulog ko bro..halos 10 PM nadin ata ako nagising.

Tapos biglang dumating sina PJ at Alwin sa bahay. Gagawa raw kami ng bagong decals at aayusin namin yung mga lighter.

Basically pare gagawa kami ng pera..

Doon ko naalala na hindi lahat ng araw kailangan nakabukas ang negosyo para may mangyari. Minsan yung mga simpleng ginagawa sa likod ng eksena, yun pa yung nagiging susunod na pagkakakitaan.

Kanya-kanya man tayo ng diskarte, ang mahalaga tuloy lang. Basta may ginagawa, may chance umusad.

Diba? Simpling araw lang kung sa iba saken may natutunan ulit ako haha

Whattagooday!

07/06/2026

POV: Nangyare sakin ngayong araw..🔨😁📈

06/06/2026

Kwento ko lang tol…

Nung mga panahong ’to, parehas kaming na zero ni Kaizen. Tipong zero talaga parehas, ultimo pang-yosi namin pera pa ata niya. Haha.

Pero kahit ganon, solid ang trip. Tamang shoot ng video, kuha ng picture, at kwentuhan lang habang nangangarap.

Ngayon, ganun pa rin. Kanya-kanya pa rin ng diskarte at minsanan na lang magkita. Pero andun pa rin ’yung ngitian sa kalsada at sigawan ng banat kapag nagkakasalubong.

Iba man ang takbo ng buhay, solid pa rin.

Whattagooday!

Yes it’s Money Over B+tches pero..Kailangan may 💃🏻 ka while making moneyPansin ko lang sa mga taong sumasagad sa diskart...
06/06/2026

Yes it’s Money Over B+tches pero..

Kailangan may 💃🏻 ka while making money

Pansin ko lang sa mga taong sumasagad sa diskarte at iniiwasan talaga nila ang mga b+tches kasi “distraction” daw…

Once na magkaroon naman sila ng babae, nawawala na agad sila sa linya

Nagfi-flip ang mundo nila

Nagiging loverboy sagad sila at tuwang-tuwa sa p***y

Parang a*o lang na years nang nakakulong tapos binigyan mo ng freedom, sya ay magwi-wild.

Dapat money over b+tches pero with balance

Training mo ang sarili mo na may b+tches around pero dapat hindi nadi-distract.

Aight?

Whattagooday!

゚viral

05/06/2026

POV: Nakita ni tropa na may wholesale package ang mga v**e decals..😁💨

100k paree..Oras ngayon, 4:55 ng madaling araw. Wala pa akong tulog, bro. Hindi ko na alam kung matutulog pa ba ako o di...
04/06/2026

100k paree..

Oras ngayon, 4:55 ng madaling araw. Wala pa akong tulog, bro. Hindi ko na alam kung matutulog pa ba ako o didiretso na lang sa palengke mamaya.

Pero napa-check ako ng page at napa-ngiti ako bigla, tol. Isang araw pa lang ang nakakalipas mula nung 80K, tapos pagtingin ko ngayon, pumalo na agad tayo ng 100K.

Maraming salamat palagi tol. Anlulupit nyong lahat haha

Sunod 200K naman. 🫵🏽😁

Whattagooday!

04/06/2026

Mag-invest ka sa sarili mo.

Sa itsura mo. Sa skills mo. Sa mindset mo. At sa bulsa mo.

Ayusin mo katawan mo. Palakasin mo isip mo. Dagdagan mo kaalaman mo. At gumawa ka ng paraan para lumaki ang kinikita mo.

I-filter mo rin yung mga taong pinapapa*ok mo sa buhay mo. Hindi lahat ng kasama, may ambag sa pag-angat mo.

Hindi pwedeng puro ka bigay sa iba habang ikaw mismo unti-unting nauubos.

Tandaan mo, ikaw ang pinakaimportanteng puhunan mo.

At isipin mo ’to…

Kung kaya mong ibigay ang oras, effort, suporta, at pinakamagandang version mo sa ibang tao, bakit pagdating sa sarili mo, laging kulang?

Minsan, maging mabait ka rin sa sarili mo, tol.

Dahil sa dulo ng lahat, hindi swerte, hindi opinyon ng ibang tao, at hindi puro dasal lang ang mag-aangat sa buhay mo.

Ikaw. Ang disiplina mo. Ang mga desisyon mo. At ang investment na ginagawa mo sa sarili mo araw-araw.

Whattagooday!

04/06/2026

Ngayong araw na ’to tol, hindi ako nagbukas ng shop. Buong oras ko ginugol sa pag-aayos at pagpapaganda ng kwarto and s**t.

Walang tulog, walang pahinga, basta tutok lang sa ginagawa.

Tapos biglang may puma*ok na mensahe.

Isang chat lang kina PJ at AJ, wala nang mahabang usapan. Kahit may ginagawa sila sa motor nila, iniwan muna nila para sumama sa diskarte.

Doon mo makikita kung sino talaga ang gusto umangat kasama ka. Hindi puro salita, hindi puro plano—kapag may pagkakataon, gagalaw agad.

Ganun dapat ang team na sinasalihan mo bro.. Desidido, handang magsakripisyo, at kayang bitawan ang pansamantalang ginagawa para habulin ang mas malaking oportunidad.

Mahirap gumawa ng pera mag-isa. Pero kapag tama ang mga taong nasa paligid mo, mas malayo ang mararating ninyo.

Whattagooday!

🫂🫂
04/06/2026

🫂🫂

Address

Bamban

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DUT. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share