Dwayne & Kirk Online

Dwayne & Kirk Online Dwayne & Kirk is an online retailer of women's and men's wears, footwear, bags and accessories with affordable prices. Browse and choose your style!

20/10/2022

Madaming Pwedeng Gumaya sa Negosyo mo,
Kasi madami din Gustong Kumita gaya mo,
Hindi lang ikaw ang marunong at hindi lang ikaw ang may Puhunan..
Alam mo ang hindi nila kayang Gayahin?
Ito yung MINDSET na Meron ka at Pano Mo Paandarin yung Business mo at Pano ka makitungo sa mga clients mo😊
Hindi yan pabilisan, wala din yan sa padamihan,higit sa lahat Hindi din yan Unahan..

Sa Negosyo Ang Labanan jan ay Patatagan, Patibayan ng loob At kung sino ba ang may Longterm plans at Longterm actions and efforts🤗

Kaya wag ka matakot Mawalan ng clients, Wag ka mag focus sa Customer, Mag Focus ka sa Business at self Development mo,
Pag may nawala May Bagong Kapalit yan Dahil Masasaktan ka lang pag may client ka na nakita mo Lumipat at sa iba bumili o kumain, Normal naman yun eh Bakit C Jolibee at Mcdo Nagtatampuhan ba cla if May hindi kumain sa kanila? HINDI naman diba..
Tuloy lang ang business at Wag na wag ka mag susunog ng Hagdanan baka pag kailangan mo na bumaba wala kana maapakan.. Tandaan People will come and Go, Ang swerte nalang natin pag may mga loyal clients tayo, Kaya Pahalagahan at alagaan natin cla😊🤗


Ctto 💙❤️

27/02/2021

❤Online Seller etiquette❤

1. NEVER ASK sinong "supplier" ng supplier mo, kung saan siya kumukuha o kanino. Pinaghirapan nya yun kaya paghirapan mo din. 😁

2. Wag itanong kung magkano ang tubo ni seller sa item na binebenta nya o kung magkano nya nakukuha ang item. Respeto lang din, sahod nga diba pilit sinesekreto ng iba? ganun din sa online na pagbebenta.🤣

3. Kung mataas ang presyo ng ibang seller hayaan mo sila, Huwag ka magkumpara at magbida porke't mababa yung presyo mo. Malay mo supplier - reseller - reseller na yun kaya ganun ang patong (Di OVERPRICED), tulad mo baka gusto lang din naman nila kumita pasalamat ka kung direct ka. 😌

4. Kung friend mo ay online seller din at may pareho kayong paninda kung may magcomment sa kanya ng "HM" huwag mong i-PM ng palihim that's panunulot my dear. Apply the GOLDEN RULE, wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin din sayo. 🙄

5. Wag kang manira ng paninda ng iba. Yung mga comment na "ay di yun epektib, ay fake, ay di yun maganda" kahit na okay naman yung tinda nila. Hindi ka aangat sa ganyang paraan, Hindi sagot ang paninira sa kapwa online seller para makabenta ka.

6. Mag add ng prospect buyer is okay, pero i-add yung buyer ng friend mo is not okay hayaan mong ikaw ang i-add kung talagang maganda ang product mo, Swerte mo na din kung irefer nung friend mo yung buyer sayo.

7. Minsan BUYER din tayo kaya Umorder ng naaayon sa ANDA, Di yung kapag may sale mine ka ng mine sabay kapag invoice na nawawala ka. Ikaw mismo ayaw mo ng JOY reserver dahil online seller ka kaya wag ka din maging JOY RESERVER SA IBA!

9. Never tell your secret recipe, Sa paningin ng iba nagdadamot ka (minsan kaibigan mo pa) pero dun ka kumikita. Kapag sinabi mo sinong supplier mo para ka na din gumawa ng kakumpetensya. Okay lang maging mabait at magbigay ng tips pero isipin mo din ang future mo bago ang future ng iba. ❤

PS: Respetuhin natin ang bawat isa ng sa ganun maraming blessings ang darating sa atin. Huwag tayong makipag kompitensya sa kapwa natin seller/supplier. May kanya kanya tayong buyer. Huwag din tayong bitter kung hindi sa atin bibili.

-Ctto ❤
More sales to us all. ❤

10/02/2021

Pls read❤️❤️❤️❤️
Ctto...ALISIN NA NATIN YUNG MINDSET NA!

✖️ Alam ko yung supplier niyan.
✖️ Ang mahal, mura lang yan sa iba eh.
✖️ Discount naman, tropa naman tayo eh!
✖️ Wala nabang tawad?
✖️ Ang laki naman ng tubo neto.
✖️ Marunong din ako gumawa niyan.
✖️ Wala bang freebies?

TANDAAN!
🙊 Kung overprice wag na bumili
🙊 Kung hindi niyo gusto, wag ng bumili.
🙊 Kung maselan, wag ng bumili.
🙊 Kung wala namang sasabihing maganda, manahimik na lang.

Hindi po natin alam ung pinag dadaanan ng ibang online sellers bago makapag deliver, makapag provide ng puhunan, makapaggawa o makakuha ng produkto. May kanya kanya po tayong problema at yung iba yan lang ung naiisip nilang legal na paraan para kumita lalo na sa panahon ngayon ng pandemiya. 🙁

Maswerten ka kung may maganda kang trabaho at hindi mo kaylangan mag online selling para kumita. Kasi hindi naman porket puro pasarap ang post ng online sellers ay malaki ang kita. Minsan ayaw lang talaga nila na nakikita sa social media yung mga hirap at problemang pinagdadaan nila! 🤔💯💨

CTTO👌🏻💯

07/11/2020

‼️MUST READ‼️ MUST READ ‼️

Lets cut this sh*t. Tigilan niyo yung MINDSET na pag UKAY MURA. i know some of you nagugulat pa sa isang bulto na ang halaga ay 6k. Which is okay lang kase surely baguhan. Pero Geez may mga bulto na 30k to 40k up isang bulto palang 😅🤷🏼‍♀️. Million po ang puhunan ng supplier ng bulto. Pero hindi ganon kalaki ang tubo tulad ng iniisip niyo😅. Hindi easy money dito! Oo totoo sa LIVE SELLING kaya mo mag EARN ng 20k plus isang gabi. Meron pa nga akong kilala 100k a day. (Seryoso yan) pero ang hindi niyo alam. Bukod sa bulto, may FIBER GLASS MANNEQUIN, fur, lights at madami pang decoration na binili yan for good presentation. Bukod sa pera na puhunan BUHAY din niyan binibigay Hahaha seryoso. Pag nag live? Buti pa kopkop nasasabi nilang “ihi lang pahinga”. Saamin, kahit ihi di mo magagawa. 12 hrs straight or more ang live selling or product shoot. Walang kain walang tulog yan 🤷🏼‍♀️ wala pa dyan ang invoice, packing at deliver. Iba stress dito. Hindi kaya ng stresstab! 🤣 kaya please nakakairita pang bobogus niyo at salitang UKAY LANG YAN KAYA DAPAT MURA. pag gusto mo ng mura. Ade wag na lng bumili!
KH

Mixed pants
03/11/2020

Mixed pants

31/10/2020

Ukay Ukay EXPECTATION ✅

Pag class AB✅
Expect na maglalaba✅
If hindi ka po naglalaba mag class A ka.
Expect mataas ang price ng class A✅

Please! Sa mga newbies, aralin po muna ang ukay. Bago ito pasukin. Para walang na aabala.
Wag po magukay pag hindi alam ang meaning ng ukay 2nd hand clothing. 💯

Tandaan nyo ang ukay ay para lang sa mga taong inaral muna bago pasukin.
Basta matiyaga at madiskarte payaman ka 😇

07/10/2020

PLEASE READ
𝐔𝐊𝐀𝐘 𝐓𝐈𝐏𝐒 & 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐂𝐄

𝘜𝘬𝘢𝘺 𝘪𝘴 𝘳𝘪𝘴𝘬𝘺 𝘢𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘮𝘢𝘯𝘢𝘨𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘦𝘹𝘱𝘦𝘤𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯

UKAY UKAY TIPS

1. Bilangin kung ilang piraso ang laman ng bulto pangit man o maganda.

2. Alamin ang kabuuan ng puhunan isama na lahat pati pinag jollibee tapos i divide ang kabuang total ng puhunan sa bilang ng bulto

✅Ex.
P3500 - Bulto
P500- Sf
Total P4000
÷ 250 piraso o laman ng bulto
16 ang puhunan bawat piraso
Pangit man o maganda.

3. Kapag natapos ka na sa 1 at 2 mag sort ka na EUC-GUC at bargain/basahan o tapon talaga. So let say sa 250 na piraso may 20pcs na EUC pwede ibenta P100, 50pcs na VGUC P60 isa, 70pcs na GUC 30 isa, 80pcs na bargain P5 isa then the rest basahan na.

20x100=2000
50x60= 3000
70×30=2100
80x5=400
Total 7500
Yan ang kabuan ng mabenta mo.

Ang example ko ay halos kalahati ang tapon..kya mahalaga ang mag sort pag ukay ang tinda mo..sana makatulong
---

IDAGDAG KO NA DIN ANG RULES SA UKAY

1. Huwag mataas ang expectation Class A/ #1, #2 o Bargain bale man baka masaktan ka lang. Ukay pa din ito.

2. Bawiin muna puhunan o kahit kalahati lang bago bumili ulit ng bagong items Huwag takaw mata baka matambakan ka ng basura😂

3. Alamin ang bundles na binibili. Kung kinakailang mag review ka yung tipong may exam ka gawin mo. Huwag gaya gaya o uto uto na pag sinabing maganda gorabels ka na tapos nun wawarlahin mo si seller.

4. Libre mag tanong wag lang paulit ulit. Uso mag backread lalo na pag sa akin ang haba pa naman ng explanation ko ang hirap ulitin. 😜

5. Huwag masyadong gahaman dahil di ka aasenso jan todo tawad sa supplier at seller pero sa mga buyers mo ang mahal mo bumenta. Bad yan.

6. Kung pano ka intindihin ng seller o supplier nung makulit ka sana sa konting pag kakamali o problema pag omorder ka gawin mo din sa kanya. Give and take lang. Lahat ng bagay nakukuha sa maayos na usapan. Maliban na lng kung ayaw mong ayusin.



CTTO

19/09/2020
19/09/2020

UKAY UKAY TIPS

📌 Short info about Ukay

We should always know that ‘Ukay Ukay’ is second hand/used clothes. Meaning, hindi maiiwasan ang flaws/damages kaya we need to manage or lessen our expectations. Huwag pong maghanap ng puro matags, lahat bago at branded kasi UKAY po ito. Swertihan po ang pagbubukas ng bulto kasi may mga bales talaga na panalong panalo ang laman.

📌 Bales/Bulto/Bundles

Lahat po ng bales na binibenta namin ay nakafactory sealed. Ibig pong sabihin, kaming mga supplier ay walang alam kung ilan exactly ang tapon, ilan ang magaganda or ilan ang branded na items ang nasa loob ng bulto. And kaya po kami may guts na ibenta ang bulto kasi nagbebased kami sa feedbacks ng aming previous buyers na nakapagopen na.

Please take note po na kahit Class A or #1 ang bulto, minsan po’y sumasablay pa din kahit same brand and code pa po yan. Please, please. Lets manage our expectation. Ukay is risky. Once na na-open po ang bulto, hindi na po ito pwede ibalik. No return, no exchange and no refund po tayo dito lalo na po kung tamang bale at code ang binigay ni supplier.
(Pwede lang pong magbalik kapag mali po ang code na naibigay ni supplier)

📌 Brands and codes

Marami pong brands ang UKAY bale dahil galing ito sa ibat-ibang bansa kagaya ng US, China, Europe, Korea, Canada, Hongkong at Japan. Bawat bansa ay may kanya kanyang brands ang bulto. Halimbawa po sa US; American Textile, Lion at King. Sa Europe naman ay Nordstar. Sa Canada ay Canam at Griffen, sa Korea naman ay VIP, Abotre, Leep at marami pa pong iba.

📌 Classification ng bales.

May ibat iba din pong classification ang bales. Meron po tayong class A and B. Or minsan ang tawag nila ay #1 and #2. Hindi po porket sinabing Class A, eh Class A na din ang laman (Class A na fake) Hindi po ganun. Halimbawa, King-LTS #1 or Class A. Ibig sabihin sa lahat ng klase ng Ladies Tshirt ito yung pinaka maganda. Ito yung bulto na may less tapon or damages. So, kung sakali pong #2 ang kukuhanin mo dont expect na maganda lahat ng laman nito. Kung gusto mo na less damages, dun ka na po sa Class A pero expect mo na mas mahal ang presyo nito compare sa mas mababang class na Class B at Bargains.

📌 Pag dating sa condition ng mga damit meron din tayong codes jan.

Brandnew - From the word itself. Bago po lahat ng items (100%)
Like new - Mga items na mukhang bago (95%)
EUC - Excellent Used Condition (Hindi kapansin-pansin na gamit 90%)
VGUC - Very Good Used Conditon. May iilang stains na pwede namang matanggal (85%)
GUC - Good Used Condition. Eto yung may stains at mayroong konting damage (80%)

📌 Meron din po tayong classification sa pagbebenta

• Bale/Bulto - Isang buong bulto mo sya ibebenta. Nakamachine sealed po ito.
• Half bale - Tig-kalahating bulto
• Quarter bale - Isang bulto na hinati sa apat.
• Prepack - Eto yung may certain pieces sa isang supot. For example... Prepack dress 10 pieces for 500 pesos.
• Take all - Ipapatake all na. Usually eto ung mga natira sa retail na hindi nabenta. If natira 50 pieces ipapatake all na lahat in a certain amount.
• Sinakos - Eto ung pwede mo iconsider na bargain na tipong 5php-10php lang puhunan each. Expect less po tayo dito. Para po ito sa madidiskarte.
•Selection- Pricey po ito kasi pwede kayong pumili ng items na naayoon sa gusto natin.

Hindi po porket preloved clothes ay used clothes na. Meron mga bundle na madaming brandnew ang laman. Madalas po ay may mga tag pa dahil galing po ito sa mga thrift store sa ibang bansa.

NOTE:

Sa ukay ukay business, ang pinakaimportante ay ang pagiging madiskarte. Kahit hindi magandang bale ang mapunta sayo, kikita ka pa din kung pagtyatyagaan mo ito. (Labhan, tahiin, picturan ng maganda at marami pa pong ibang paraan) Remember, hindi ito one time big time ka kagaad. May mga panahon na matumal ang benta.

Madiskarte, sipag, tiyaga at napakahabang pasensya lang po mga Ma’am Ser and everything will turn out positively! Sa mga newbies po na nagbabalak pasukin ang mundong ito, pag-aralan po nating mabuti ang negosyong ito.

KOREA/CHINA BALES PO ANG PINAKA PANGMASA NA MAY MAGANDANG QUALITY.

Thanks for reading! 💕

📌pre order!🛳🚢⭐collapsible food storage box
25/08/2020

📌pre order!🛳🚢
⭐collapsible food storage box

📌pre order!😮elastic lid covers (set)
25/08/2020

📌pre order!
😮elastic lid covers (set)

Coffee Mugs & Mug tree Bundle set☆Php 1,700• 6 pcs Mugs/cups (acacia wood made)• 1 pc Mugtree (mahogany wood & coco shel...
11/07/2020

Coffee Mugs & Mug tree Bundle set
☆Php 1,700
• 6 pcs Mugs/cups (acacia wood made)
• 1 pc Mugtree (mahogany wood & coco shell base)

*made to order
*we offer shipping with EF / SF

Address

Biñang
4024

Telephone

09277855360

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dwayne & Kirk Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category