02/11/2026
“₱200 GUPIT? ANG MAHAL NAMAN!”
Share ko lang tong experience. 🙌🏻💯
Client: Magkano gupit n’yo, sir?
Me: ₱200 sir.
Client: Ay, mahal pala. Sige sir, sa susunod na lang.
Me: Okay sir, no problem. See you next time!
Napaisip lang ako…
Sa halagang ₱200 marami pa rin palang namamahalan para sa isang maayos na gupit.
Pero subukan nating tingnan sa ibang perspective.
LET’S DO THE MATH. 🧠
₱200 ÷ 30 days = ₱7 per day.
Ibig sabihin, kung isang buwan tumatagal ang gupit mo, halos ₱7 lang kada araw ang ginagastos mo para sa sarili mong grooming at presentasyon.
Ngayon, isipin natin.
Kung naninigarilyo ka at nakakailang stick ka sa isang araw, magkano ang nagagastos mo?
Kung ₱10 ang isang stick at 5 sticks ka kada araw, ₱50 agad ’yon.
₱50 sa isang araw. ₱1,500 sa isang buwan.
Pero ang ₱200 na gupit na puwedeng magbigay sa’yo ng mas malinis, maayos, at confident na itsura sa loob ng ilang linggo, namamahalan ka?
Hindi ko sinasabing mura ang ₱200 para sa lahat. Alam kong magkakaiba tayo ng budget, priorities, at sitwasyon sa buhay.
Pero ito ang gusto kong ipaintindi:
Minsan, hindi naman talaga presyo ang problema. Nasa kung paano natin pinapahalagahan ang isang bagay.
Hindi lang buhok ang binabayaran mo sa isang professional barber.
Binabayaran mo rin ang kanyang skills, experience, oras, kagamitan, at mga taon na ginugol niya para ma-master ang kanyang craft.
At higit sa lahat, nag-iinvest ka rin sa sarili mo.
Hindi lahat ng mahal ay overpriced. At hindi lahat ng mura ay sulit.
At the end of the day, you don’t just pay for a haircut.
You pay for the quality, the experience, and the confidence that comes with it.
BTW : ₱180 only haircut namin! ✌️
Credit to the owner.