13/02/2026
“GINAWA AKONG ATM NG PAMILYA NG GF KO DAHIL AKALA NILA MAYAMAN AKO PERO NALAMAN NILA ANG TOTOO NA…”
Dear Ms. M,
Hindi ako mayaman, pero sobra akong magmahal sa girlfriend ko hanggang sa ginawa na akong ATM ng pamilya niya. Breadwinner si GF. Ako naman, only child, may trabaho sa IT at may maliit na business ang parents ko. Nung nalaman ng pamilya niya na may negosyo ang magulang ko, automatic nilang inisip na rich kid ako.
Simula non, sunod sunod ang hingi pangkuryente, pangbinyag ng pamangkin, panggas ng kuya niya. Akala nila humihingi lang ako ng pera sa parents ko. Pati magulang niya gusto ng makilala ang parents ko interesado daw sa “business,” baka daw maipasok ang kuya niya. May ultimatum pa kung hindi ko daw ip**ilala, maghihiwalay kami.
Nagmeet the parents. Unang tanong ano daw business ng parents ko. Sinabi ko ung totoo na ihaw ihaw, siomai, palamig sa tapat ng school. Kita ko agad ang lungkot sa mukha nila. Biglang ako pa ang sinabing nagsinungaling. Sabi ko, negosyo pa rin naman ang pagtitinda ng pagkain.
Sinadya kong linawin ang totoo para matapos ang delulu nila. Doon ko narealized pera ang habol nila, hindi ako. Kaya hindi ko na tinuloy ang relasyon. Hindi kami mayaman at sana nga may ipagyabang ako pero mas mahalaga, hindi na ako ATM ng hindi ko pamilya.