15/01/2023
grabe ka relyt sa kung kinabuhi😊😊
A mama’s selfless love 💚
“Andaming nagsasabi na bakit hindi mo isanay sa iba yung anak mo para naman may pahinga ka? Ang nasasabi ko lang, ayos lang sakin yung ganito. Kasi minsan lang naman sya magiging bata bakit hindi ko sulitin yung pag aalaga sakanya.
Kahit gabi nako nakakaligo, kahit oras nako nakakakain ayos na ayos lang basta mabantayan at hindi ko lang mapabayaan ang anak ko. Oo mahirap, mahirap kasi kailangan mong maging huli kasi inuuna mo yung iba, pero at the end of the day after mo magawa lahat ng bagay na kailangan mo gawin, makakapag pahinga ka ng maayos kasi alam mo sa sarili mo bilang Ina na hindi mo napabayaan ang anak mo mag hapon.
Hindi madali pero hindi naman na natin magagawa ang paliguan sila, pakainin sila pag laki nila. Kaya habang bata pa sila alagaan at mag focus ka lang muna sa anak mo. Okay lang sa gabi kana nakakapag ayos at nakakaligo kasi kahit hindi ka naman maligo at mag ayos mag hapon ikaw parin yung pinaka maganda at pinaka mabango para sa anak mo.
Isang kiss at isang akap lang sa anak mo mawawala lahat yung pagod mo. ❤️
You’re all doing a wonderful job, mamas!” - Mama Presley